Selene Mahigit apat na buwan na ang nakakalipas simula nung ikasal kami ni Louis, marami nang nagbago simula noon. Ilang araw palang ang nakakalipas kong matagumpay na maipanganak si Alana. Nandito ako ngayon sa kuwarto namin ni Louis at nakangiting pinagmamasdan ang mag ama ko habang pareho silang mahimbing ang tulog. Natutuwa ako kay Louis dahil simula nung maipanganak ko si Alana ay napaka-hands on niya. Mula sa pagkain, pagpapalit ng lampin. Miski nga sa mga papangailangan ko ay lagi siyang nandiyan para tugunan yo’n. Nakaka lungkot lang na hanggang ngayon sg hindi pa din kami okay sa parents niya. Napahinga ako ng malalim at nailing dahil naalala ko nung nasa operating room kami hindi ko makakalimutan ‘yung itsura ni Louis sa operating room nung mailabas ko na si Alana. Namum

