Louis Nandito ako ngayon sa opisina kahit halos mag aalas nuwebe na ng gabi. Marami kasi akong naiwang pending works lately kaya kailangan na tapusin. Sandali muna akong sumandal sa swivel chair na kinauupuan ko at ipinikit ko ang mga mata ko. Napaangat ako ng tingin nung marinig kong bumukas ang pintuan ng opisina at hindi man lang nag abalang kumatok ‘yung kung simuman yo’n. Pagkita ko, it was Lpuis who looked so pissed off. Napahinga ako ng malalim at bumalik ako sa pagkakasandal ko sa swivel chair. “What brings you here?!” Diretsang tanong ko sa kaniya at hindi na ako nag abala pang tignan siya. “Is that the plan you are talking about?!” Mariing tanong niya sa akin kaya umayos ako ng upo at hinarap ko siya. “Hindi ko alam kung anong sinasabi mo kaya puwede ba? Diretsuhin mo ak

