Louis Kakarating ko lang sa bahay at napahinga ako ng malalim habang naglalakad ako sa hallway papunta sa masters bedroom. When I left my parents house and live my own, nasana’y ako no’n na mag isa at walang kasama. Napahinga ako ng malalim at napailing, nabaling ang tingin ko do’n sa wedding picture namin ni Selene na naka-display sa kuwarto namin. Nung dumating si Selene sumaya ang bahay na ‘to, parang naging makulay at buhay na buhay ang awra no’n pero ngayon? This was just a lonely place. I miss Selene and I miss Alana so much, sana maayos na lahat ng ‘to, sana mapatawad pa ako ni Selene. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha sa mata ko habang pinagmamasdan ko ang litrato namin. Alas dose ng umaga pero hindi pa din ako kumakain, wala akong gana. Nilapag ko ang lit

