Selene Isang linggo na ang nakakalipas simula nung dinner namin ni Louis sa mansyon ng lola niya, hindi masyadong naging maganda lalo na at hindi ako tanggap ng parents niya pero nakakagaan lang ng loob na kahit paano ay suportado kami ng lola niya. Nakatulala ako habang nililibot ko ang tingin opisina ni Louis. Kakadating ko lang at nasa isang meeting siya ngayon. Napapailing na lang talaga ako sa tuwing nakikita ko ang mga nakakalat na dokumento sa mesa niya. Isa isa kong sinalansan ang mga iyon at inayos, ito ang rason kung bakit kahit kami na eh hindi sumagi sa isip ko na mag-resign dahil alam kong kailangan niya ako. He’s a bit stubborn, messy and is a short tempered type of kind. Napakasungit pa nga kung minsan. Mabilis nga, tama ang parents ni Louis pero panatag ang loob ko sa k

