RACHAELLE KEIRA GREY Second death anniversary ang bilis lumipas nang panahon hindi ko akalaing dalawang taon na pala mula nang kunin sa amin ang babaeng mahal ko. Nagsimula na namang pumatak ang luha sa mga mata ko dahil hanggang ngayon nasasaktan pa din ako sa pagkawala niya. Kung buhay lang siya siguro masaya kaming dalawa ngayon, Ikakasal at magkakaroon ng masayang pamilya may balak pa naman siyang magkaroon ng tatlong anak ayaw niya kasing isa o dalawa lang dahil malungkot daw gusto niya madami para maingay sa loob ng bahay. Narinig ko na may kumatok sa pintuan kaya agad kong pinunasan ang luha ko "Pasok" sigaw ko medyo iba na din ang boses ko. Si Juls pala ang tapat at maasahang secretary ko na kahit nasusungitan ko minsan ay hindi ako sinusukuan "Ma'am nasa loob na p

