"Hazelle..." Laking gulat ni Hazelle nang bigla siyang yakapin ni Gabriel nang umuwi ito. Hindi niya alam kung bakit parang malungkot ang itsura ng kanyang ninong. "Ninong? May problema po ba kayo?" inosenteng tanong niya sa kanyang ninong na mahigpit pa rin ang yakap sa kanya. Kumalas ng yakap si Gabriel at saka hinaplos ang kanyang buhok. "Wala naman. Na-miss lang kita, Hazelle." Nagtaka ang mukha ni Hazelle habang nakatingin sa kanyang ninong. "Po? Bakit niyo naman po ako na-miss, ninong eh magkasama lang po tayo dito sa bahay?" Mahinang tumawa ang kanyang ninong sabay kamot sa kanyang ulo. "Pagpasensyahan mo na si ninong, iba ang lumalabas sa bibig ko. Siguro napagod lang ako sa trabaho. Teka, kumain ka na ba? Puwede mo ba akong sabayang kumain?" "Syempre naman po, ninong. Halik

