Gabing - gabi na pero hindi pa rin makatulog si Daisy. Hindi niya alam kung bakit. Kung kailan nakahiga na siya sa malambot na kama at malamig pa ang kanyang kuwarto, hindi naman siya makatulog. Kaya naisipan niya munang lumabas ng kuwarto at magtungo sa kusina. Nang kumuha siya ng tubig, pagkasilip niya sa binata mula sa kusina, nakita niya si Gabriel na nakatingala sa labas. Inubos niya ang tubig sa baso at saka nagtungo sa labas. "Magandang gabi po, sir... bakit hindi pa po kayo natutulog? Ayos lang po ba kayo, sir? Malungkot po ang mga mata ninyo, sir," lakas loob niyang sabi kay Gabriel. Nagulat siya nang tingnan siya ni Gabriel dahil namumugto ang mga mata nito. Halatang kagagaling lang sa pag-iyak. "Ayos lang naman ako. May problema lang na kaunti kaya hindi pa ako makatulog,"

