Tinawagan ni Hazelle ang kanyang ninong Gabriel at nakiusap na doon muna siya matulog sa kanilang bahay. Pumayag naman ang kanyang ninong kaya masayang masaya siyang katabi sa kama ang kanyang mga kapatid. Nakatulog siya nang mahimbing at may ngiti sa labi nang magising dahil nakayakap sa kanya ang dalawa niyang kapatid. Maingat siyang bumangon sa kamang iyon upang hindi magising ang dalawa niyang kapatid. Naabutan niyang nagluluto ng almusal ang kanyang ina. "Gising ka na pala. Anong oras ka susunduin dito?" tanong ng kanyang ina. "Ako po ang magsasabi kung anong oras po ako uuwi," sagot naman niya. Narinig niya ang paghinga ng malalim ni Maritez. "Kumusta naman ang trabaho mo doon bilang kasambahay? Malaki masyado ang bahay ni Gabriel. Hindi ka ba napapagod?" "May kasama naman po a

