"Sir... sino po ang dalagang iyon? Magkasing edad lang pala sila ni Hazelle. Saan niyo po siya nakita?" tanong ni manang Fe. "Muntik ko na siyang masagasaan. Naawa naman ako. Palaboy pala. Ulila na rin," tugon niya sa kasambahay. Tumikhim si manang Fe. "Hindi naman sa hinusgahan ko po kayo sir pero baka maging isa rin po siya sa babae ninyo? Kumbaga, papatulan niyo ba ang dalagang ito?" Natawa siya ng mahina. Kahit ang kasambahay niya, alam na alam ang pagiging babaero niya. Kung tutuusin, maganda ang dalagang muntik na niyang mabangga. Nagulat nga siya sa itsura nito nang matapos maligo at magbihis. Pero si Hazelle lang ang mahal niya. Kaya si Hazelle lang ang maganda at kaakit akit sa kanyang paningin. "Hindi na ako babaero pa, manang. Tinulungan ko lang ang dalagang iyon. Si Hazelle

