"Manang Fe, may pagkasuplado rin pala si sir Gabriel 'no?" wika ni Daisy habang naghuhugas ng plato. Umarko ang kilay ng matandang kasambahay. "Bakit? May nasabi ba sa siya sa iyo na sa tingin mo, suplado siya?" Bumuntong hininga si Daisy nang maalala ang nangyari kagabi. Hiyang hiya talaga siya. Hindi naman kasi niya aakalain na tatagal ang ginawa niyang pagtitig kay Gabriel. Humahanga lang talaga siya sa kaguwapuhang taglay ng binata. "Oo. Tinitigan ko kasi siya habang kumakain. Tinitingnan ko kasi kung masasarapan ba siya sa luto ko tapos parang nainis siya. Sinabi niyang huwag ko siyang titigan at lumayo ako sa kanya. Hindi ko tuloy nalaman kung pasok ba sa panlasa niya ang luto ko," nakalabing wika ni Daisy. "Ah okay. Ganoon siya sa ibang babae dahil nga si Hazelle lang ang gusto

