Mariing pumikit si Hazelle sabay hawak sa kantang sintido. Naguguluhan na siya. At parang siya pa ang mauunang mabaliw sa kanilang dalawa ni Gabriel. Kinikilig na siya at hindi niya maiwasang itago iyon ngunit nagdadalawang isip pa rin siya. 'Ano kaya ang nangyayari sa lalaking ito? Bakit naman hands siyang maging kabit? Nasisiraan na ba talaga siya ng bait o palabas niya lang ito para makuha niya ang loob ko?' "Hazelle, puwede bang samahan mo akong kumain ngayon? Hindi pa kasi ako kumakain. Wala akong gana," malungkot na sabi ni Gabriel. Tumaas ang kilay niya. "At bakit wala kang gana? Puwede ka namang mag-order na lang diyan." "Wala akong gana dahil hindi na kita kasabay kumain. Nami-miss ko na iyong niluto mong afritadang manok. Gusto kong matikman iyon. Puwede mo ba akong ipagluto

