Nakangiti si Hazelle nang silipin niya ang laman ng kanyang bank account. Malaki na rin ang naipon niyang pera. Pero ang gusto niya, mas madagdagan pa iyon. Dahil may paggamitan siya sa pera na malilikom niya. Pagkalabas niya ng kuwarto, narinig niyang may kausap ang kanyang ninong. Bahagya kasing nakabukas ang pinto ng kuwarto ng kanyang ninong kaya narinig niya ang boses ni Gabriel. "Huwag kang magpatawa diyan, Drake. Hindi ako mahuhulog sa inaanak kong si Hazelle. Paulit-ulit ka na lang. Kapag sinabi kong hindi, hindi talaga. Basta, masaya naman kaming dalawa sa bawat sandaling pinagsasaluhan namin. Palibhasa ikaw kasi iniwan ka na ng asawa mo. Paano pala ang anak niyo? Mabuti na lang pala, isa lang ang anak ninyo. Dahil kung marami, kawawa talaga," rinig niyang sabi ni Gabriel sa kau

