"Pasensya ka na kung ikaw ang pinuntahan ko, ha. Alam mo namang ikaw ang malayo kong kaibigan at iyong may maayos na bahay. Huwag kang mag-alala, may pera naman ako. Hindi mo ako kailangang intindihin. Sa ngayon, kailangan ko lang ng matutuluyan..." malungkot na sabi ni Hazelle sa kanyang kaibigang si Josh. Ikinuwento niya sa kaibigan ang dahilan ng pag-alis niya. Bahagyang nagulat pa nga si Josh ngunit naunawaan siya nito. "May mga ganiyan talaga, salot na kamag-anak. Ang kapal din ng mukha no'n eh pinsan lang naman siya. Ano akala niya, kontrolado niya ninong mo? Kapal ng mukha niya! Porke ginagó siya ng ex niya, iniisip niya na ganoon din ang gagawin mo sa ninong mo! Kagagùhan!" galit na sambit ni Hazelle. Bumuntong hininga si Hazelle. "Ang mali ko lang, nahulog ako sa ninong ko. Eh

