Kristell Pov
Matapos ang kasal may magarang sasakyan ang sumundo sakin.
Maluha luha ako habang nasa loob ng sasakyan habang tanaw ang inay mula sa bintana ng itim na sasakyan na iyon.
Pinag handaan kona to. Bago ako ihatid sa simbahan nag ka paalamanan na kami ng aking pamilya at alam ko rin na ito na ang huling beses na makikita ko sila.
Ganun paman napakasakit parin sa dibdib. Ito ang unang pagkakataong mahihiwalay ako sa aking pamilya.
Wala akong alam sa kung anong buhay ang nag hihintay sakin sa syudad.
Nang makalayo na ang sasakyan pinilit kong tuyuin ang aking mga luha.
Isapa nakakahiya sa lalaking naroon sa loob ng sasakyan. Sya si Dave ang lalaking nag proxy sa asawa ko kanina sa simbahan.
Tahimik lang sya at walang imik. Sya raw ay assistant ng asawa ko yun ang kanyang pag papakilala sakin at ang sabi nya kasalukuyang nasa business trip ang asawa ko kaya hindi sya makaka attend ng kasal.
Hindi ko lubos maisip na may ganuon palang lalaki? O talaga bang nangyayari ang ganun?
Busy ka kaya mag papadala ka ng proxy para umattend ng kasal mo?
Napaka imposible. Ngayon palang na papaisip nako kung anong klaseng tao ba ang pinakasalan ko.
Sa tagal ng byahe hindi ko na namalayang nakaidlip na pala ako.
Nang dumungaw ako sa bintana madilim na pero nakikita ko ang malalaking puno na nadadaanan namin.
Madim at tanging liwanag ng buwan ang nag sisilbig ilaw sa daan.
"Bakit parang baku baku ang daan ?
Napa kapit ako sa upuan ng may madaanang malaking bato sa daa ang sasakyan.
"Ayos ka lang?
Saka ko napag tanto na may kasama nga pala ako sa loob ng sasakyan.
Napa awang ang bibig ko at nanlaki ang mga mata ng makita ko ang lalaki na naka upo sa tabi ko.
Same person but somethings change.
Iba na ang suot nya.
Para syang kabalyero na nanggaling sa isang costume party.
"a-anong? Bakit ganyan ang suot mo?
Nag tataka kong tanong.malamig ang tingin nya sakin at bahagyang napangiti.
Napatingin ako sa sarili ko, ganon parin naka wedding dress ako at-
"Iba na ang sasakyan?
-tama hindi nanga ito ang magarang itim na sasakyan na sinakyan ko kanina.
"anong ? Pano to nangyari?
Muli akong napatingin sa lalaki.
Kasabay nun ang pag hinto ng sasakyan o kung ano mang uri ng transportasyon iyon.
"Nandito na tayo!
Sabi ng lalaki na kanina ay nag pakilalang Dave.
Nauna syang lumabas. Napasilip ako sa bintana.
Tila huminto ako sa pag hinga ng oras na gumala sa labas ang aking paningin.
Isa iyong palasyo.
Isang malaki at nakamamanghang palasyo.
Binuksan ni Dave ang pinto ng sasakyan kung san ako lalabas.
Pero pano? "Nananaginip yata ako.
"baka na aksidente ang sasakyan at ngayon at patay nako.
Welcome to our world!
Misteryosong ngiti ang ipinamalas ni Dave. Saka sya na una sa pag lakad papunta sa palasyo.
"Maligayang pag dating!
Nag si yukuan ang mga babaeng nakahilera sa daan ng makapasok kami sa loob.
Nag lalakihang malakristal na palamuti sa kisame ang una kong napansin.
Napaka moderno ng palasyong iyon.
Kumikinang ang lahat sa aking paningin.
Isang malaki at malawak na hagdan ang makikita sa loob nuon.
Habang gumagala ang mga mata ko sa kabuuan ng palasyo narinig ko nag salita ang isa sa naka unipormenng babae.
"Sir Dave nag aantay sya sa itaas.
"Ganun ba sige salamat!
Sagot ni Dave saka sya bumalin ng tingin sakin.
"tayo na!
Sabi nito.
Nauna sya sa pag punta sa hagdan at sumunod lang ako.
Nangangalahati palang kami sa hagdan pero tanaw kona ang susunond na palapag.
Meron duong babaeng nag aantay. Nakaupo sa magarang upuan.
Natanaw nya kami kaya agad syang tumayo.
"napaka ganda nya.mahaba at itim ang kanyang buhok. Isa ba syang prinsesa?
Base sa damit na suot nya nasisiguro kong isa syang prin sesa.
"Sa wakas nakarating din kayo!
Kamusta ang byahe ninyo?
"nakangiti nitong salubong sa amin. Hindi ko tiyak kung kanino sya nakikipag usap kung sakin ba o kay Dave.
"Mabuti. Nakakatuwa dahil kahit saglit nag karoon ako ng dahilan para makita ang mundo sa labas.
Sagot sa kanyani Dave.
"Halika maupo ka. Naku siguradong magulo ang isip mo ngayon.
Normal lang yan.
Balin sakin ng babae.
Walang kahit na anong salita ang lumabas sa bibig ko.
Wala akong ideya kung ano ba itong nangyayari.
Kung panaginip ba ito o hindi.
Gulong gulo ako