“BUTI na lang pumayag sila na magsama na lang tayo sa room.” Ani ko kay Leslie. Habang panay ang ayos nito ng kanyang mga damit. Masyadong organized na tao si Leslie. Kaya sa tuwing may mga ganap kami noon at share kami sa room siya na rin ang umaasikaso sa aking mga gamit. Ewan ko ba! Parang timang ako. Oo alam ko naman ang akto ko ngayon. Pero hindi ko kasi maiwasan. Ilang beses ko na iyong sinabi sa kanya ang kaso parang doon huminto ang isip ko sa na maalala ang topic namin. Maya’t maya kasi ay nawawala ako sa topic namin ni Les, lalo na kapag biglang may gagaambala sa aking isip. At ang gambala na ‘yon pakiramdam ko nasa malapit na lang sa akin. “Gusto mo pa bang sagutin ko ‘yan? Ilang ulit na kasi.” Natatawang ani naman ni Leslie sa akin. Napanguso naman ako dahil sa pang-aasa

