MATAPOS sabihin ni Kent ang mga salitang iyon ay lumabas na ito. Naiwan pa ang dalawang lalaki pero kalaunan ay sumunod na rin si Kanjie. Buong akala ko ay lalabas na rin si Zacho pero hindi ito lumabas. Tumalikod lang ito pero nanatiling nakatayo. “I'm sorry for your husband's actions. Mrs. Amorrosi, can I ask you a few questions? May mga gusto lang sana akong malaman about you. Don't get me wrong I'm here to help as per Gilbert favor, at sa kagustuhan ko rin na tulungan ka.” Malumanay na simula ni Zach0, na sinundan na rin ng kanyang pakay. Nang mabanggit ng lalaki si Gilbert ay naalala ko bigla ang sinabi ng huli na pangalan. “Ikaw pala ‘yun. Pwede naman. But in one condition. Stop calling me Mrs. Amorossi. Honestly, nakakatakot ang dating sa akin ng pagtawag mo ng ganyan. Feeling ko

