HABANG umuusad ang wedding ceremony, feel na feel ko ang vibes ng kasal ni Ate Imee. Nag solemn at halatang love is in the air. Sa pagitan ng pagiging happy sa moment ni Ate Imee, makailang beses kong nahuli ang partner ni Leslie na nasa gawi namin ang tingin. I think na kay Leslie lang iyon. Pero dalawang beses kaming nagka-hulihan ng tingin. Hindi ko alam pero nakipag-titigan ako sa lalaki. Ang tapang tapang ko dahil talagang hindi ako bumitaw ng tingin sa kanya kahit matalim na tingin ang pinupukol nito sa akin. Parang sa paraan ng tingin ng lalaki ang laki ng galit niya sa akin. Siguro dahil alam niya kung sino ako. Pero sana iniisip niya rin na pareho lang kami ng sitwasyon. “Baka mataas ang tingin sa sarili.” Bulong ng isang bahagi ng aking utak. “Ulol!” Bulalas ko na ani. “Bad!

