KENT “SEÑIORITO.” Tawag ng isa sa aking tauhan para kunin ang aking atensyon. Dalawa lang naman sila na may access makapasok sa lugar kung nasaan ako. Naramdaman ko ang paglapit ng yabag, pero nanatili akong nakayuko sa mga papeles na aking binabasa. “Paumanhin Señiorito Kent. May balita lang po ako sa inyo na baka maibigan mo.” Untag ni Zacho sa akin. Hindi ako umimik o nagpakita ng kahit anong emosyon pero iginalaw ko ang kanang kamay na ang ibig sabihin ay ituloy niya ang pagsasalita. “Isa po sa tauhan natin na nasa loob ng mansyon ni Señior ang nagpadala ng balita na kumpirmadong wala ang iyong Abuelo sa Isla Amorossi.” Tuloy-tuloy na paliwanag ni Zacho, dahil para mag angat ako ng ulo at bistrahan ng mabuti si Zacho kung nagsasabi ng totoo. “Ganun ba! Nasaan daw ang Abuelo?” Pa

