Unawaan‼️

1535 Words

IVELYN HABANG bumibilis ang paglalakad namin ng aking Ina papasok sa loob ng mansyon, ay mas lumilinaw ang sagutan na nagaganap sa loob ng kabahayan. Maraming mga boses ang naririnig namin ni Mommy. Hindi namin maiwasan ang magkatinginan. Ngunit kailangan naming maging in character sa harap ng lahat. Nang makapasok na kami sa sala de visita ay gulat na gulat ako ng makita ang mga kapatid ni Daddy maging ang mga pinsan niya. Tila nahabag naman ako ng aking mabatid na si Abuela ang kanilang kadiskusyon. “Itigil niyo na Mama ang pagtupad sa kahibangan o kahangalang na habilin ng Papa! Hindi pa ba sapat na nawala na si Briella noon sa atin? Wag mo sanang hayaan na pati si Ivelyn ay mawala na rin. Ito siguro ang dahilan kung bakit nga ba puro lalaki halos ang nagiging anak ng ating angkan!”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD