NAKANGITING sinalubong ni Lexie ang nobyong si Sean nang makitang papalapit na ito sa kanyang kinaroroonan sa loob ng arrival area ng NAIA. Sean stood out from the other men out, kaya kaagad niya itong nakita kahit na maraming tao.
"Hi, Hon, late na ba ako?" nakangiting tanong nito nang makalapit sa kanya.
"It's okay, kadarating ko rin lang," aniya bago yumakap dito.
He smelled so good. Bahagya niya itong tiningala at tinanggap ang halik nito sa kanyang mga labi. Pinaliguan pa nito ng halik ang kanyang mukha na dahilan para magkatawanan sila. Pagkatapos ay kinuha na nito ang carryall bag niya at magkahawak -kamay nilang tinungo ang kinaroroonan ng kotse nito.
"How was your flight?" tanong ng nobyo habang papalabas na sila ng parking lot. Alas seis pa lang ng umaga. Tulad ng dati ay sinundo siya nito mula sa trabaho. She had been in her job for more than three years now and she was still enjoying it even it was stressful and tiring.
"Okay lang. Pero pagod na pagod ako," aniya sa tinig na tila nagsusumbong.
Sandali itong dumukwang sa backseat, kinuha ang maliit na unan na permanenteng nasa kotse nito at iniabot iyon sa kanya.
"Thanks," aniya.
Ngumiti ito, sandaling hinaplos nito ang buhok niya bago ibinalik ang kamay sa manibela. Napapangiting kinuha ni Lexie ang coffee cup na nasa cup holder habang yakap ang unan.
Halos tatlong taon na ang relasyon nila ni Sean at walang senyales na mapuputol iyon. Naging at ease kaagad siya rito nang magkakilala sa despedida ni Marcus. Malalim itong mag-isip at masarap itong kausap. Natuklasan niyang may talento rin pala ito sa kusina kaya kaagad itong nakasundo ng mama niya. Sa maikling panahon ay nahulog kaagad ang loob niya rito kaya nang manligaw ito sa kanya ay kaagad niya itong sinagot.
"Nakahanda na ba ang lahat para sa birthday ni Papa Jacob mamaya?" tanong niya bago maingat na ininom ang kape.
"Yup. Kahit 'yung mga hindi natin na-contact bago ka umalis, nag-confirm nang pupunta." Halata ang excitement na sabi nito.
"Good."
They had been planning a surprise birthday party for his dad that set in the late afternoon. May ilang oras pa siya para makapagpahinga bago ang party.
Mula sa rearview mirror ay nakita niya ang isang light blue na long sleeve at itim na formal jacket na naka – hanger sa backseat.
"May lakad ka ngayon?" tanong niya habang binabalik ang coffee cup sa cup holder.
"Yes. I have a shareholder meeting at CBA this morning."
Ang CBA Foods ay isang kilalang food manufacturing company sa bansa at isa sa mga shareholders niyon si Sean. Bukod doon, may maliliit din itong shares sa iba pang mga kompanya. Dalawang taon na ring wala sa national team si Sean dahil ito ang pumalit kay Papa Jacob nang magkasakit ang matanda sa bato.
Si Sean na ang nagma-manage ng hotel and resort ng pamilya ng mga ito sa Cavite. Wala kasing interes sa pagma-manage ng negosyo ang kaisa-isa nitong kapatid na si Gabbie. May martial arts school din sina Sean at ang papa nito.
"Oh, hindi ka ba male – late?" nag – aalalang tanong niya. "Dapat hindi mo na lang ako sinundo. Kasama ko naman kanina sa flight si Mikaela. Puwede namang sa kanya na lang ako sumabay pauwi."
"Okay lang, Hon. Maaga pa naman. Saka alam mong hindi ako kompartable kapag hindi kita nasusundo," nakangiting tugon nito.
Napangiti rin si Lexie. Hindi niya napigilan ang sariling haplusin ang makinis nitong pisngi. Sean had always been kind and caring. Magmula nang magkakilala sila ay mabibilang lang sa daliri ang mga pagkakataon na hindi siya nito nasundo at naihatid sa trabaho. Lagi niyang ipinagpapasalamat sa Maykapal ang pagdating nito sa buhay niya.
"Saan mo gustong mag – breakfast?" tanong nito pagkuwan.
"Sa bahay na lang, Hon."
"Okay." Kinuha nito ang cell phone nitong nakapatong sa dashboard at iniabot sa kanya. "Can you call Gabbie? Ipapaalala ko sa kanya ang party mamaya. Baka magpasaway na naman."
Tinanggap niya ang cell phone. Ilang sandali pa ay kausap na nito – o mas tamang sabihing pinapagalitan at inaaway na nito – ang kapatid sa speaker phone.
"Anong sabi mo?" salubong ang mga kilay na bulalas ni Sean kay Gabbie habang patuloy pa rin sa pagda – drive. "I said hindi natin babatiin si Papa!"
"Sorry! I forgot, eh. Sinadya ko ngang gumising nang maaga para mabati ko si Papa tapos pagbabawalan mo ako," narinig niyang katwiran ni Gabbie na ikinangiti niya. Kung minsan ay naiinggit siya kay Sean dahil may nakakakulitan at nakakaaway itong kapatid. Nag – iisa kasi siyang anak.
"Hindi mo kasi iniintindi ang sinasabi ko, eh," inis pang sabi ni Sean. Bukod sa kapilyahan niya, si Gabbie ang dahilan kung bakit madalas magsalubong ang makakapal na kilay ng nobyo.
Ipinatong ni Lexie ang cell phone sa ibabaw ng dashboard habang nagpipigil ng ngiti. Base sa karanasan niya, siguradong mahaba – habang usapan pa ang mangyayari sa pagitan ng magkapatid. Isinandal niya ang ulo sa headrest at pumikit.
SANDALI lang nakausap ni Sean si Gabbie dahil matapos niyang ipaalala rito ang surprise birthday party para sa papa nila ay pinatayan na siya nito ng telepono. Katulad nang madalas mangyari, ininis na naman siya nito. Sinasadya talaga nitong hindi makinig sa mga sinasabi niya. Gumaganti kasi ito sa kanya sa pagiging sobrang istrikto at overprotective dito.
Muli niyang nilingon saglit si Lexie na kanina pa natutulog sa tabi niya. sSanay na siyang tinutulugan ng nobya sa biyahe sa tuwing sinusundo niya ito mula sa trabaho. Kaya nga siya laging may dalang unan sa kotse para hindi ito mahirapan sa pagtulog. Base sa malalim nitong paghinga, pagod talaga ito.
Maingat niyang hinaplos ang pisngi ng dalaga, at nang makakita ng pagkakataon ay muli niyang kinintalan ng halik ang mga labi nito. He was so proud to have gorgeous, smart, sweet, caring, and loving girlfriend.
Dati ay napipilitan lamang siyang makipag – usap sa mga babae dahil sa pambubuyo ng mga kaibigan niya.
But the night he met this woman was different. He really, really liked Lexie. Mas maganda at sexy ang mga naging girlfriends niya kumapara rito pero gustong – gusto niya ang simpleng ganda nito. Maputi ito, matangkad at sexy at papasa bilang modelo. Asymmetrical ang hugis ng mukha nito at ang mga mata ay maiitim at expressive. Cute din ang ilong nito at natural na pula ang mga labi. Bumagay sa mukha nito ang itim nitong buhok na medyo kulot na hanggang balikat.
Halos hindi na niya ito nilayuan nang gabing iyon at madaling araw na nang maghiwalay sila. Niligawan niya ito kaagad nang sumunod na araw at kaagad din siya nitong sinagot.
Lexie was his soulmate. Madali nilang nauunawaan ang isa't - isa. Kung mayroon man siyang reklamo rito ay ang pagiging impulsive at adventurous nito pero tanggap niya iyon. Natuklasan nilang pareho nilang gusto ang simpleng lifestyle. They both loved movies and TV series, coffee and wine, and nature and traveling.
Kung ulila na ito sa ama, siya naman ay ulila na sa ina. Namatay ang mama niya dahil sa sakit na breast cancer noong sophomore siya sa high school at nasa fifth grade naman si Gabbie.
Lexie was not a perfect girlfriend and he was not a perfect boyfriend either, but their relationship was close to perfection. Bihira silang mag – away dahil sa simula pa lang ay natutunan na nilang magtiwala sa isa't – isa at hindi maglihim. He never thought he would fall in love with her as deeply as he had. Dito na nakasalalay ang kaligayahan niya at nakahanda niyang gawin ang lahat mapaligaya lang ito.
Two years and nine months na ang relasyon nila, kumpara sa ibang magkasintahan ay uso pa sa kanila ang monthsary. He was thinking of proposing to her on their next monthsary. He had turned twenty – five last month. Para sa kanya, tamang – tama lang ang edad na iyon para mag – asawa. He was already financially stable. At parehong nilang kasundo ang pamilya at mga kaibigan ng bawat isa.
Muling sinulyapan niyang sinulyapan si Lexie. Tila anghel na natutulog ang dalaga. He really loved this woman. Noong oras ding iyon ay nangako siya sa sarili na maghahanap na ng singsing na babagay rito at aalukin ito ng kasal.
----------
You can get the complete story here... https://ebookware.ph/product/I-love-you-still/
Thank you!