Chapter Four: Fair Enough

2405 Words
Fair enough... ~Zaiah~ Tatlong course ng pagkain ang in-order namin dito sa Yu Lei. Steamed Seafood Dumpling Soup ang sinerve sa amin para sa starting course. Para sa main course naman ay Grilled Wagyu Beef Tenderloin with Black Pepper Sauce at Pan-Seared Foie Gras with Sautéed Mushrooms. Mayroon ding Fried Rice with Shrimp and Scallions para sa side dish at Mango s**o Pudding para sa dessert. Red wine at Japanese Green tea naman ang para sa drinks. Si Mr. Greystone ang sasagot ng bill namin kaya naman halos magmukhang last supper ang dinner namin. Tahimik lang akong kumakain dito sa pwesto ko habang nakikinig sa usapan nila mom. Ganoon din ang itong lalaki na nasa tabi ko. Kasing bagal niya ang pagong kung kumain. Parang ninanamnam niya ang bawat pagsubo. Plantsadong-plantsado ang pagkakaupo niya at ni hindi ko nga napansin na yumuko ito kahit isang segundo. Inayos ko ang sarili ko at pinag-cross ang legs ko saka umupo ng tuwid. Iyong mas tuwid pa sa upo niya! *cough* Bigla akong napalingon sa katabi ko ng bigla siyang masamid sa iniinom na red wine. Alam kong nasa fine dining restaurant kami pero tinungga niya ang wine glass na parang nakikipag-inuman sa barkada. Niluwagan niya pa ang necktie na parang sinasakal na siya nito saka biglang tumayo na ikinataka ng mga kasama namin dito. "Son, are you okay?" takang tanong ni Mr. Greystone. "Yea." Tipid na sagot nito saka hinubad ang suot na coat. "She seems cold." Bigla niyang ipinatong ang coat sa ibabaw ng lap ko bago ito bumalik sa pagkakaupo. "Stop showing off your leg." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa ibinulong niya. Ngayon ko lang napagtantong nasa ibabaw ang hita ko kung nasaan ang slit kaya naman kitang-kita nitong katabi ko ang maputi kong balat. Napalunok na lamang ako ng mariin habang nakakuyom ang kamao ko sa coat niya na nasa lap ko. Parang gusto ko manaksak ng steak knife sa kahihiyan! Naagaw ang atensyon namin ng biglang tumawa si Mr. Greystone. Nababaliw na ang matandang ito. "I didn't regret raising my son as a gentleman." Pagpupuri nito sa anak na ikinangiwi ko lang. Malamang anak niya ito pupurihin niya talaga kahit hindi naman mukhang kapuri-puri. "So, Zaiah, where do you study?" Tanong nito na ngayon at humihitihit sa hawak na tabacco. "The Adamson International Academy," tipid ko lang na sagot habang ang tingin ay nasa plato. "Oh, what a coincidence because my son just transferred there." Natutuwa na tugon nito pero ako hindi. Coincidence my ass. "I don't think so." Kinuha ko ang wine glass ko at pasimpleng napangisi ng makitang nawala ang ngiti sa mukha niya. Nakatuon ang mga mata nila na parang may sinabi akong mali. Hindi ko rin alam kung bakit ko sinabi iyon basta lumabas lang siya sa bibig ko. "I think you put your son there in purpose." Ngumiti ako saka uminom na sa wine glass na hawak. "Zaiah, what are you talking about?" takang tanong ni mom. "The world isn't small for things to be coincidence, Mom." Hindi ko alam saan ako kumukuha ng kumpyansa sa mga sinasabi ko. "Hahaha!" Binalot ang buong restaurant sa malakas na tawa ni Mr. Greystone na napapahampas pa sa lamesa. OA o baliw? Baliw siguro. "I like her. She thinks differently." Pilit niyang kinalma ang sarili dahil pinagtitinginan na kami ng ibang customers dahil sa ginagawa niya. Itong si mom at dad nakikisama na lang sa pagtawa. "Let's just say that you are right but what would be the reason for me to put my son there in purpose? There must be a reason, right?" Tama siya. Pero ano naman kayang posible na maging rason? Mukha namang hindi interesado ang lalaking katabi ko sa akin at ganoon din naman ako. As if! Atsaka ngayon ko pa lang nakita ang lalaking ito. Imposible na ang rason para mapalapit kami sa isa't-isa o arrange marriage. Ew. About business? Wala namang business sila mom. Hindi ko alam. Hindi ko matukoy. Hindi ko rin alam bakit sinabi ko ang mga iyon. Parang may sariling isip itong bibig ko. Palitan ko na kaya? "Gut feeling," tipid ko na lang na sagot at dahil baka ano naman ang masabi ko. Tumango naman si Mr. Greystone na parang naniwala sa sinabi ko. "Well, I think you and my son will really going to get along. He's in the same rank as you." Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. "Right, son?" "Yea." Tipid lang na sagot nito na busy sa pag-inom sa hawak na wine glass. Napairap na lamang ako saka tumayo. "Please, excuse me at magbabanyo lang ako." Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila at nagmadaling naglakad palayo sa table namin. Iniwan ko sa upuan ang coat na binigay ni Vance. Hindi ko naman hiningi iyon kaya hindi niya deserve ng thank you. "Where's the comfort room?" Tanong ko sa waitress na nakasalubong ko. "Just go along this hallway, Ma'am, and you will see on your left the comfort room." Tinanguan ko na lang siya at sinunod ang direksyon na sinabi niya. Hindi naman ako nabigo na hanapin at pumasok na ako sa comfort room para sa mga babae. Ginawa ko na ang dapat kong gawin at nag-retouch na rin ng makeup bago lumabas. Hindi ako dumiretso pabalik sa table kundi naglakad ako palabas ng restaurant. Pumasok ako sa elevator at pinundot ang button na papuntang rooftop. Napapikit na lamang ako ng bumungad sa akin malamig na hangin. Mukha yatang mali na pumunta ako ng rooftop dahil mas malamig dito kesa sa restaurant. Pero ayoko ng makipagplastikan sa mga Greystone. Naglakad ako sa pinakadulo kung saan walang masyadong taong nakatambay. Humawak ako sa railings at pinagmasdan ang ibaba. Kung ihulog ko si Mr. Greystone mula rito, ilang segundo kaya bago siya mamatay? Hindi ko alam pero kumukulo ang dugo ko sa kanila. Napailing na lamang ako sa naisip at kinuha ang casket ko ng London Treasurer. Kumuha ako ng isang stick at sinindihan ito. Wala namang makakakita sa akin dito lalo na nasa madilim na parte ako. Hindi rin naman ganoon kadami ang tao nakatambay pero mabuti ng maingat. May nakalagay kasi na sign na no smoking. "Does someone tells you cigarettes isn't a cool thing for a woman?" Bigla akong napalingon sa nagsalita at si Vance ito na papalapit dito sa gawi ko. Hawak niya sa isang kamay ang coat habang natatanggal na ang suot niyang necktie dahil sa pagkakaluwag niya. Anong ginagawa ng isang ito rito? Kaya nga ako pumunta muna rito dahil gusto ko muna ng peace of mind mula sa kanila. "Pake mo?" Ibinuga ko ang usok sa pagmumukha niya bago ibinalik ang tingin sa maliliit na ilaw sa ibaba nitong building. Kung siya na lang kaya ang ihulog ko rito? Hindi ganoon kalayo ang agwat naming dalawa kaya pansin ko ang pagtitig nito sa akin na ikinanoot ng noo ko. Nilingon ko siya ng nakataas ang kilay habang nakaipit ang sigarilyo sa pagitan ng daliri ko. Ganoon pa rin ang pagtitig niya kaya naman ginantihan ko rin. Problema ba ng lalaking ito? Kanina ko pa napapansin na hindi maganda ang awra niya sa akin. "Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin." Utos ko saka muling humithit sa hawak na sigarilyo. "What do you mean?" Inosenteng tanong nito ng hindi pinuputol ang pakikipagtitigan sa akin. "Alam ko na kating-kati na iyang dila mo sa gusto mong sabihin." Bigla ay napatawa siya na parang hindi makapaniwala. "Is that one of your gut feeling again?" May diin ang huling tatlong salita na sinabi niya. "Yea?" Hindi ko sigurado na sagot dahil kusa na namang nag-iisip ang bibig ko. Hindi naman big deal sa akin na nandito siya pero parang may bumubulong sa akin na may ibang pakay siya. "It isn't time," sambit nito na nagpa-huh sa akin, "Tss." "Sabog ka ba?" Inis kong itinapon sa sahig ang hawak ko dahil nawalan na ako ng gana. "You know what?" Tiningnan ko siya mata sa mata at binigyan siya ng dead eyes look. "I may not know who you are but I don't like you." English na iyan para mas dama! Nakita ako ang pagngisi niya kahit na madilim dito sa pwesto namin. "The feeling is mutual." Tinalikuran ako nito at muling ibinalik ang tingin sa ibaba ng building. "Fair enough." Umalis na ako sa pwesto namin at bumalik na ng restaurant. Habang naglalakad ako pabalik sa table namin ay napansin ko ang seryosong usapan nila mom, dad at ni Mr. Greystone. May mga nakapaligid din na mga men in black sa kanila na siguradong bodyguards at nakita ko rin ang isa sa mga naghatid sa akin dito. "Mom!" Medyo may kalakasan na tawag ko dahil medyo malayo pa ako. Hindi ko na pinansin ang mga taong napatingin sa gawi ko. Tusukin ko mata nila! Lumingon si mom sa gawi ko na may ngiti bago ibinalik ang atensyon sa kausap. Si dad naman ay sobrang seryoso sa pwesto niya at may sinabi ito na kung ano na nagpatango kay Mr. Greystone bago nila napagdesisyonan na tumayo. Mukhang tapos na rin ang kung ano man ang pinag-uusapan nila. Hindi sa tsismosa pero nako-curious ako. "Thank you for this dinner, Mr. Greystone." Pagpapasalamat ni dad na nakipagkamay pa at ganoon din si mom. "Thank you." Agad akong nag-bow dahil ayokong mahalikan ulit ang likod ng palad ko. "I really would like to have another dinner again but I guess this is going to be the last." Habang tumatagal nagiging kaboses niya na sa pagtawa si Santa Claus. "I will be back in Italy before sunrise and my son will stay for his studies." Pagtutuloy nito at napa-ah na lang ako. Wala naman kasing nagtatanong. Umalis na kami ng restaurant kasama ang isa sa mga bodyguards ni Mr. Greystone. Sinamahan kami nito hanggang sa makarating kami sa limousine na dala nila mom. Habang nasa byahe kami ay hindi ko maiwasan mapaisip kung ano ang pinag-usapan nila kanina at bakit ang seryoso nila. Hanggang ngayon ay dala-dala pa rin nila ang seryosong awra kanina at mukhang parehong malalim ang iniisip. "Are you guys okay?" Pambabasag ko sa katahimikan. "Is something happened while I'm gone earlier? You look drained." Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nila ng marinig ang huli kong sinabi. "We're just tired, Zaiah. Don't mind us." Si dad ang sumagot habang si mom ay ngumiti lang sa akin na halatang pinipilit lang ang sarili para hindi ako mag-isip ng kung ano. "So, what are you talking about earlier with Mr. Greystone?" Hindi ko na napigilan ang sarili na hindi magtanong. "Is that the reason why you look drained?" Bigla tumawa si mom na mukhang nahawa na kay Mr. Greystone. "Honey, we're just really tired. Also, it's just a random topic we have earlier." "I think you should take a rest for a while. We're just going to wake you up when we arrive." Maawtoridad na utos ni dad na ikinangiwi ko na lang. Walang gustong sumagot! Hindi ako natulog sa buong byahe namin kaya naman pagkarating namin ay dinalaw na ako ng antok. Natulog ako ng hindi nagpapalit ng suot habang nakadapa sa kama. Hindi ko alam kung ilang oras na akong tulog pero bigla na lamang ako naalimpungatan ng may marinig akong ingay. Inis akong bumangon at pinakiramdaman ang buong paligid habang pipikit-pikit pa ang mga mata. "Mom?" Muntik pa akong matisod sa suot kong heels ng maglakad ako patungo sa may pinto. "Mom? Dad?" Dumiretso ako sa kwarto nila mom kaharap lang nitong sa akin. Bago ko pa man mahawakan ang doorknob ay kusang bumakas ang pinto. "Zaiah, why are you still awake? And why are you still wearing that dress?" Sunod-sunod na tanong ni mom na lumabas ng kwarto. "I heard some noises. Is that from your room?" Gusto ko sanang makita kung ano ang ginagawa nila sa loob pero nakasara ang pinto kaya wala akong makita. "Yes, we're just packing our luggage. I'm sorry if we wakes you up." Pinihit ako ni mom pabalik sa kwarto ko habang ang isang kamay nito ay nakaakbay sa akin. "You should change your clothes and get back to your sleep. You still have school tomorrow." "What time are your flight tomorrow?" tanong ko na tinatanggal ang suot kong heels. "We're living before lunch. I hope you make it here while we're gone." Ngumiti ito ng tipid na tinanguan ko na lang. Para namang hindi na ako nasanay na ako lang ang mag-isa rito kapag nasa Swizerland sila. "I'll leave you now." Lumapit ito sa akin at binigyan ako ng mahigpit na yakap na ikinagulat ko pa. "Mom, are you crying?" tanong ko ng marinig ang mahina niyang pagsinghot pero umiling ito ng hindi pa rin inaalis ang pagkakayakap sa akin. "I'm just happy that we have you. You don't know how much we prayed to have a child." Puno na emosyon na sambit ni mom. Naikwento sa akin ni mom noong maliit pa ako na matagal na nilang sinusubukan na magkaanak pero lagi silang bigo ni dad hanggang sa dininig ang dasal nila. Kaya naman spoiled ako sa lahat ng bagay in a good way at alagang-alaga nila ako. Wala akong matandaan na pinabayaan nila ako kahit isang beses. Lagi nilang sinisigurado na umiinom ako ng maintainance ko sa tamang oras. "You will be always our daughter." Humiwalay na ito sa pagkakayakap sa akin at napapikit na lamang ako ng halikan ni mom ang noo ko. Nakatanga kong pinanood si mom na lumabas ng kwarto ko. Hindi ko alam kung ano ang ire-react sa inasta niya. Alam ko ng madrama si mom pero iba iyong emotional niya ngayon. Baka naman nag-o-overthink lang ako? Napailingg na lamang ako sa sobrang pag-iisip. Sumasakit ang ulo ko kakaisip tapos hindi ko naman nakukuha ang gusto kong sagot. Nagtungo na lamang ako sa wardrobe at ibinalik ang sapatos kung saan ko ito kinuha. Hinubad ko ang suot na dress at kinuha ang itim na bathrobe saka nagtungo sa banyo. Dumiretso ako sa malaking salamin na nasa sink at pinagmasdan ang sarili. Hindi ako sa mukha ko nakatingin dahil nagsasawa na ako makita ang kagandahan ko. Pinagmamasdan ko ang maliit na peklat na may hugis star na nasa loob ng bilog. Nasa bandang gitna ito ng likuran ko malapit sa batok. Wala akong matandaan kung paano ko ito nakuha pero sabi ni mom is pinanganak na akong meron nito kung saan hindi ako kumbinsido. Weird. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD