"ANO BANG pinagsasabi mo, this isn't your play ground Carter," nanliliit ang mata niya kasabay ng pagpitik ng sintido ni Jax sa sinabing 'yon ni Carter. Ito pakakasalan si Aubrie? Nagpapatawa ba ito? "Aubrie is mine, you idiot!" Sigaw nang utak niya pero walang salitang lumabas sa bibig niya. Paano niya sasabihin 'yon sa taong gustong umangkin. Kung ang babaing gusto niyang ipagdamot sa iba ay walang ipinapakitang damdamin para sa kanya. S*x is different things. Dahil iba si Aubrie kapag nasa kama sila, at iba rin ito kapag nasa trabaho sila. Kaya hindi niya alam kung saan siya lulugar sa buhay ng dalaga. At ang hayagang pag-amin ni Carter na gusto nito si Aubrie ay nagpapasikip ng dibdib niya. Hindi niya hahayaang mapalapit ito kay Aubrie. "At sinong may sabing puwede kang magtrabaho

