"BAKIT mo ako dinala dito?" Napahigpit ang hawak ni Aubrie sa sandalan nang upuang nasa harap niya. Nag-uunahan ang mga daga sa dibdib niya. Dala nang matinding kaba. Kaya sunod-sunod siyang napalunok.
"Breakfast!" Pabulong na usal nito sa punong tainga niya. Na nagpakislot nang kanyang balikat. The sensation felt so good pero ang utak niya talo pa ang fire alarm na walang tigil sa pagtunog nang warning sign na ibig sabihin ay evacuate. Pero halos hindi niya magawang galawin ang paa.
Dahil ang malanding pagkatao niya ay gusto ang ideyang naglalaro sa utak niya. But part of her was scared. Pero walang lakas ang bahaging 'yon para kumawala. At natagpuan na lang niya ang sariling naka-upo sa harap nang hapag.
Naupo ito sa harap niya, garden salad, steam garlic salmon at fried rice. May fresh fruits rin na naroon.
"Kapalit nang inubos kong adobo," nakangiting saad nito. He looks hotter with those smile. Kaya't lihim na pinagalitan niya ang sarili. "Kain na," aluk nitong nagsimula nang kumain. Kaya nakigaya na rin siya, akala niya ay hindi siya makakain nang maayos, pero sa sarap nang pagkain ay bigla siyang ginanahan.
Pagkatapos kumain ay ihinatid pa siya nito sa tapat nang lift. Papasok na siya nang elevator nang humarang ito sa pinto saka walang babalang kinabig ang batok niya sabay siil nang halik kasabay ang dila nitong ipinasok nito sa napaawang niyang bibig.
"We're not done yet," paanas na wika nito nang maghiwalay ang labi nila. Kaya napaatras siya papasok nang elevator. Kumindat pa ito bago tuluyang sumara ang lift.
Napakagat labi siyang napasandal na lang sa dingding nang elevator. Saka pinindot ang button patungo sa floor ng department niya. Then she hurriedly walk straight to their office
"Pustahan tayo may babaing kasama si Boss sa pad niya," dinig niyang saad ni Gelai nang palapit sila sa table niya. Naroon ito sa cubicle ni Shane.
"May bago ba doon?" Baliwalang saad nito "Ang landi kasi nang crush ko. "Ako na lang kasing landiin niya willing ako sa fifty shades style."
"Nauna kami sa'yo ngayon," salubong ni Hope na may dalang files na patungo sa table nito. "At late ka ulit ngayon ha," dagdag pa nito. Kaya napalingon sa kanya ang dalawang maagang nagtsitsismisan.
"Na traffic lang," tipid niyang sagot saka hinila ang upuan niya. Inilabas niya ang phone niya mula sa bag niya saka kinuha ang laptop sa drawer.
"Sino naman kaya ang bagong flavor ni Sir Jax? Talo pa niya ang nagpapalit nang damit kung magpalit nang babae." Bakas ang lungkot sa tinig ni Shane. "Kaya siguro ayaw niya nang steady na jowa. Mukhang dapat magresign na talaga ako para magkaroon ako nang pag-asa bago pa siya mapunta sa iba," walang siglang dagdag pa nito.
Hinayaan na lang niyang magtsismisan ang mga ito. Wala siya sa mood para maging referee nang mga kaibigan niya.
Nagkatinginan naman ang dalawanag nag-uusap nang walang reaskyon si Aubrie sa maaga nilang tsimisan. Usually sisitahin na sila ni Aubrie. Pero halatang good mood ito, pansin nang dalawa nang kakaibang kislap sa mga mata nang tahimik lang na si Aubrie. Kaya nagkangitian ang mga ito
"Sa tingin mo in love siya?" Mahinang tanong ni Gelai kay Shane. Na kaagad namang ikinatango nang huli.
"Oi kayong dalawa magtrabaho na nga kayo," sita ni Hope sa mga ito.
"PARE maupo ka nga! Nahihilo na ako sa'yo eh," reklamo ni Juno. Tinawagan niya ito para hingian ng payo. Pero dumating itong kasama si Vonz. Kanina pa wala siyang magawang sabihin sa mga ito. Dahil naguguluhan rin naman siya. "Ano ba talaga! Kanina pa ako napipikon sa'yo."
"In love ka?" Deklara ni Vonz na abala sa mobile games nito. Sa inis niya ay binato niya ito nang throw pillow kaya nagmura ito nang malutong. "Yan lang ang malaking problema nang mga lalaking kasing guwapo natin," dagdag nito nang makabawi.
"Seryoso!" Si Juno na nanlalaki ang singkit nitong mata sabay baling sa kanya.
"Hindi, init lang nang katawan 'to. Hindi ko lang matangap na napalampas ko ang second time. Tang *na. Amoy t***d na 'tong opisina ko," lintaya niya.
"Libog mo talaga p're."
"Nagsalita ang hindi. Pasalamat ka guwapong koreano ka kundi baka matagal ka nang kalabuso dahil sa kahalayan mo."
"Correction, ako ang hinahalay nang mga babae. Ako ang dapat magdemanda," painosenting depensa ni Juno.
"Eh bakit ka nga ba namomroblema kong hindi ka naman in love." Kuryos na tanong ni Vonz.
"Kasi nga! Ramdam ko gusto rin niya kaso, lakas nang self control."
"Eh ano bang gusto niya? Sabi nga nila know your enemy. Alamin mo kung anong gusto niya siguradong panalo ka." Suhesyon ni Juno na ikinatigil niya sa paglalakad.
"Ano nga bang gusto n'ya?" Wala sa loob na saad niya.
"Pera!"
"No I don't think so!" Sagot niya kay Vonz. "She's something else. But... thanks. " Hanggang sa makaalis ang dalawang kaibigan ay nanatili siyang nag-iisip sa pad niya. Until he decided to dial somone on his phone. Hindi siya titigil na matapos ang lingo na hindi niya napapayag si Aubrie sa gusto niya. Nagkakasakit pa naman siya kapag hindi niya nakukuha ang gusto niya.
"Hello Boss?" Sagot nang baritonong tinig sa kabilang linya.
"I have a job for you. I want the result asap. I'll send you the details." Iyon lang at tinapos na niya ang tawag. Ipinadala niya ang impormasyon tungkol kay Aubrie Garcia.
Pagkatapos nang tawag ay nagpasya siyang lumabas. He find himself walking towards the elevator. Huminto ang lift saka siya lumabas. Saka naglakad patungo sa marketing department pero nang nasa may exit door na s'ya ay may narinig siyang nag-uusap.
"Hindi na mahalaga kung hindi ang proposal ko ang napili. At least I got the position. Dahil magreresign na lang ako kong si Aubrie ang magiging supervisor ko."
"Oo nga eh. Obvious naman na gusto niyang siya ang mapromote. Kaya masyado niyang ginagalingan."
"Well ano bang aasahan mo para sa isang tulad niya, she dress up like she can afford all her expensive clothes. Feeling sopistikadang mayaman," gigil na saad nang isang babae. Napailing na lang siya. Wala siyang kaaalam alam na ang ibang empleyado niya ay mas pinipiling magtsismisan na lang sa oras nang trabaho.
"Baka naman may sugar daddy siya. Imagine kahit malaki magpasahod ang kompanya. She can't afford to pay VIP suite noong hindi siya umattend nang paparty mo."
"Talaga?" Bakas ang gulat sa tinig nang babae.
"Oo, nakita siya nang ilang co-workers natin. Tinanong nila kung anong room ang kinuha ni Aubrie sabi VIP daw. Tanong mo kila Shiela? Kaya sure ako may sugar Daddy siya. Chikahin mo kaya 'yong mga close friend niya," suhesyon pa nito.
"As if wala kang maasahan sa mga 'yon. Nagayuma ni Aubrie ang mga babaing 'yon. Pero whatever dahil ako nang supervisor niya. Sisiguruhin kong susuko siya at magreresign na lang." Determinadong saad nang babae. "Halika na nga!" Nagulat siya sa sinabi nito kaya mabilis ang hakbang niyang tuloy-tuloy na naglakad pabalik sa elevator.
"ANG SARAP nang menu nila ngayon." Saad ni Hope habang kumakain sila sa cafeteria.
"OO nga fav ko lahat," sang-ayon ni Gelai na panay ang nguya. "Sana laging ganito." Dagdag pa nito. Totoo naman madalas kasi parang kung anu-ano na lang naisipan nilang iluto sa lunch. But today's menu was good kaya nag-eenjoy rin siyang kumain.
Abala siya sa pagkain nang magvibrate ang phone niya. It was a message from unknown number. Nakuryos siya kaya binuksan niya 'yon.
"Let's have dinner together. --Jax." muntik na tuloy siyang masamid dahil doon. Ayon kinilig siya. Pero kaagad rin siyang napasimangot. Aktong ibabalik niya ang phone sa bulsa nang blazer niya nang magring 'yon.
Dala nang pagkataranta ay sinagot niya ang tawag.
"Hindi ba dapat nagrereply ka sa message ko," bungad nang tinig na nagpabilis nang pintig nang puso niya.
"Bakit?"
"Kasi sabi ko," halatang nang-aasar lang ito.
"Hindi. May lakad ako," sagot niya napasin niyang naging tahimik ang tatlong kasabay sa mesa. Nakatingin sa kanya ang mga ito. Then she heard Jax laugh.
"The way you respond to me alam kong close na talaga tayo. Sana man lang naisip mong ayain akong kumain nang lunch. Hindi pa tuloy ako kumakain ngayon. Iba kasi ang gusto kong kainin," ang sinabi nitong 'yon ay nagpa-init sa mukha niya.
"Kumain kang mag-isa, huwag mo na nga akong abalahin okay," aniya sabay tapos nang tawag.
"Sino naman 'yon?"
"Wala," she said dismissing the subject. Wala namang nagpilit sa kanya. Alam kasi nang mga itong wala siyang sasabihin kahit pigain pa siya.
"Mukhang may love life na ang isa dito pero ayaw man lang nagkuwento." Naiiling na saad ni Shane.
"Hey it's not what you think okay," depensive na sagot niya dito. Dahil totoo namang wala siyang love life.
"Sabi mo eh!" Sabay sabay na sagot nang mga ito. Halatang hindi kumbinsido. Kaya't hanggang matapos ang lunch nila ay panay ang makahulugang ngisi nang mga ito sa kanya. But she choose to ignore them hanggang magsawa na rin ang mga ito at naging abala sila sa kani-kanilang mga trabaho.
Pero bandang alas kuwartro y medya nang hapon ay hindi niya inaasahang magkakaingay sa opisina nila. At ganun na lang ang gulat niya ng lapitan siya ni Mr. Sandoval ang Advertisinng Manager.
"Ms. Garcia you need to come with us, gustong makita ni Sir Jax ang shoot. Para kung may concern we can address the issue immediately, " saad ni Mr. Sandoval na ikinagulat niya.
"Eh bakit siya sir. I'm the supervisor," singit ni Leslie.
"Talaga! Sorry I thought," bakas ang pagkalito sa mukha nang lalaki. "Anyway si Ms. Garcia ang sinabi niya. Sinusunod ko lang ang utos ni Boss. I don't even know why he want to be there. So tara na mag-aantay raw sa parking si Sir," paliwanag nito na pinasadahan pa siya nang tingin.
"Sige na girl go," halos ipagtulakan naman siya ni Shane. Habang kitang kita niya ang galit sa mukha ni Leslie.
"Feeling mo ikaw ang supervisor," saad ni Leslie na hinarangan pa siya. She's trying to intimidate her. But as if her mere trick will work on her.
"Kung gusto mo e-di ikaw ang pumunta," pilosopong saad niya dito. Inilahad pa niya sa harap nito ang folder na bitbit niya. "Take it!"
"Huh! Iniinsulto mo ba ako?" Bakas ang panggigil sa mukha nito.
"Hindi dahil na promote ka magaling ka na. At wala akong panahong insultuhin ka. Ikaw ang nagdala sa sarili mo sa posisyong 'yan kaya panindigan mo," taas noong saad niya dito na ikinaputla nang mukha nito. "Hindi ko ipagkakanulo ang sarili ko para sa posisyon."
"What are you implying you----" walang salitang tinalikuran niya si Leslie. Hindi niya kailangang hulaan na may ginagawa nga ito para makuha ang gusto nito.
Pagbukas nang lift ay naroon nakasakay ang preskong-preskong boss niya. Kitang-kita niya ang pagsulyap nito saka pasimpling ngumiti nang nakakaluko.
"Let's go Ms. Garcia," yakag ni Mr. Sandoval inilahad pa ang palad as if guiding her way. Talo pa nang puso niya ang tambol sa lakas nang kaba nang maramdaman niya ang mga matang nakatitig sa likod niya. Napalingon pa siya ng maramdamang nasa tabi na niya si Jax. Pasimpling pinisil umbok nang puwetan niyang nagpagising nang boung sistema niya.
"Sa akin ka na sumabay Aubrie, " dinig niyang saad ni Jax nang huminto ang lift sa basement. "I need to discuss some details I want you to change."
"Then I'll go ahead sir," paalam ni Mr. Sandoval nang bumukas ang lift. Saka ito naglakad patungo sa nakaparadang kotse nito. Napalunok pa siya bago nagpasyang sumunod dito.
She was feeling uneasy all of the sudden, parang ang init ng pakiramdam niya. The thought of his naked body appear in her mind. Natagpuan niya ang sariling pinagdidikit ang hita niya dala nang tensyong biglang umataki sa kanya. Pagsakay nito ay natigilan itong saglit na napatitig sa hita niya. Kasabay nang pagsilay nang ngiti sa labi nito. At ganun na lang ang pagkabigla niya nang walang babalang kinabig siya ni Jax saka siniil nang halik.
Mainit, mapusok at nag-aalab ang bawat galaw nang labi nito saka ipinasok ang dila nito sa bibig niya. Para siyang nahihipnotismong natagpuan ang sariling tumutugon dito ng boung kainitan.
Ramdan niya ang paggapang nang kamay nito sa hita niya, na tumaas pa. While gently massaging her thigh. Kasunod nang paggalaw nang upuan niya. Kaya napamulat siya. Ang siste nakapikit pala siya habang ninanamnan ang init nng halik ni Jax.