Chapter 23: Komplikado NAKANGITING pumasok na rin si Sir Efrain at katabi niya si Sir Elton. Kompara talaga sa pinsan niya ay siya ang mas masaya kung titingnan. Parang hyper din at mas maaliwalas ang bukas ng mukha niya. Hindi naman katulad ni Sir Elton. Palagi itong tahimik at kung minsan ay seryoso lang ang mukha niya pero mabait naman siya kahit ganoon. Komportable rin ako na makasama siya, dahil siguro ay nasasanay na ako sa presensiya niya kahit na minsan ay nakakakaba pa rin siya. “Kailan ka pa nakarating dito, Efrain?” tanong ni Sir Elton sa pinsan niya at parang ang tsismosa ko lang dahil hinintay ko rin siya na magsalita. “Kadarating ko lang kahapon,” sagot nito at sumilip sa akin. “Ang suwerte mo sa estudyante mo, pinsan. Habang patagal nang patagal ay gumaganda na ang caree

