Chapter 28: First and last date “BUKAS na ang first debut mo at ang issue ninyo ni Elton ay hindi iyon nakabubuti para sa career mo. Isang taon ka ring nag-training sa pagkanta at mabilis man na umusad ang maganda mong career ay masasabi kong baguhan ka pa lamang sa music industry, Ms. Eyse. Ang pakikipagrelasyon sa isang lalaki ay magiging distraction mo lamang iyan. Hindi ka makakapag-focus sa goal mo,” mahabang saad ni Ms. Lesse. Kinausap niya ako para lang sa debut ko bukas at tungkol na rin sa issue namin ni Sir Elton. Na kumakalat na rin ngayon sa internet. “Naiintindihan ko po.” “Isantabi mo muna ang buhay pag-ibig. Hindi ko ito sinasabi sa iyo dahil lang sa hindi kita gusto para kay Elton. Sinasabi ko ito sa iyo dahil katulad mo rin ako noon. Inuna ko ang pangarap ko kaysa sa p

