Chapter 30: Farewell kiss “EYSE! Eyse, sandali lang!” Mabilis ang pagtakbo ko para wala nang hahabol pa sa akin kung makalalayo na ako. “Eyse!” “Bitawan mo ako!” sigaw ko kay Sir Elton at nagpumiglas ako nang hawakan niya ang pulso ko. Bitawan mo ako, please! Bitawan mo ako!” umiiyak na pakikiusap ko sa kanya. “Eyse... Eyse, hindi ka puwedeng umalis...” “A-Ayoko na... Ayoko nang ituloy pa ito... H-Hayaan mo na akong umalis... Hayaan m-mo na akong u-umalis, Sir Elton... A-Ayaw ko na rito...” nakikiusap na saad ko pa. Ngunit ang higpit nang hawak niya sa akin at parang ayaw niya akong bitawan dahil alam niya kung ano ang gagawin ko. Gusto ko nang umalis. Gusto ko na huwag na lamang ipagpatuloy pa ito. Ayoko na... Ayoko nang ituloy pa. G-Gusto ko nang isuko ang pangarap ko. “No, you c

