Chapter 34: Pagkikita at Selos KINAKABAHAN ako para sa araw na ito. Naudlot ang pagpunta ko sa Baguio para bisitahin sina Tiya Beth at Tiyo Geb. Miss na ko na rin kasi ang nakababatang pinsan kong si Enza. Siguro next time na lang ulit ako pupunta. Kailan lang din iyong birthday ko at magkasama pa kaming lahat. Totoo naman kasi ang sinabi ng aking ina na iniiwasan ko lamang si Sir Elton. Possible nga na magkukrus pa ang aming landas, nasa iisang kompanya lang kami. Ayoko lang na maiyak sa harapan niya. Pipigilan ko talaga ang sarili ko. Magmumukha lang talaga akong tanga, eh. Maaga pa lang ay hinanda na ni Nanay ang damit na susuotin ko. Kailangan daw ay maging presentable ako dahil makikita raw iyon ng future singer ng SRE. Lumalabas na pabida-bida talaga ako. Black crop top ang napi

