CHAPTER 21

1942 Words

Chapter 21: Pagkakamali & Gusto “RAIME, tara na,” pag-aaya ko sa pinsan ko at hinila ko ang braso niya. Parang hindi pa siya makapaniwala at nanatili siyang nakaupo. “Raime, tara na umalis na tayo rito.” Mariin kong pinisil ang pisngi niya dahil ayaw niyang kumilos. May balak pa yata siyang manatili rito. “S-Sandali lamang, Eyse,” natatarantang sabi niya. Mabilis niyang hinablot ang sling bag niya. Mahigpit ang hawak sa akin ni Sir Elton pero sinisiguro naman niya na hindi ako masasaktan. “Sandali! Teka lang naman, Eyse!” “Eyse!” Namimilog ang mga mata ko nang humabol sila sa amin at nakatutok agad ang mga cellphone nila. Itinaas ni Sir Elton ang isang braso niya para takpan ang mukha ko. Hindi pa nga ako nakikilala ng lahat ay dinudumog na ako ng mga tao at saka naka-side view lang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD