Kabanata Labing-Apat: Concern Noong sinabi ko na minsan, kinukwestiyon na natin ang purpose ng isang bagay sa buhay natin, hindi lang pala sa bagay applicable iyon, pati na rin pala sa mga pangyayari sa buhay mo. Mabilis akong lumabas ng classroom at iniwan ang nakatulalang si Tina. Mukhang nagulat ‘ata siya sa isinagot ko. Ang akala niya siguro ay tatahimik lang ako at hindi ko siya papatulan. P’wes, mali siya. Hindi ko kayang hindi pumatol sa sinabi niya. Ano bang pakialam niya sa buhay ko? Ni hindi nga kami close ng isang ‘yon. Kung makapagsalita siya sa akin, akala mo naman magkaibigan kami. Sa tono ng pagkakasabi niya, parang may kasalanan ako at kailangang pagbayaran nang malaki. I was walking fast to Ms. Niago’s office. Hindi ko alam kung pumunta rin ba ang lalaking

