KABANATA ANIM

2724 Words
Kabanata Anim: Early Boyfriend    Tapos na ang misa. Nasa loob na ako ng kotse ni Bryan at hinihintay siyang makapasok na rin. Nasa labas pa kasi siya dahil may bumati sa kan’ya at hindi na siya nakaalis dahil medyo madaldal ang bumati sa kan’ya. Kaya naman pinauna niya na ako rito sa loob ng kotse.     Tanaw ko mula rito sa aking kinauupuan si Bryan at ang kausap niya. If you guessed that the gender of the person he’s talking to is a female, then you are very right. Kilalang-kilala nga talaga si Bryan sa mga babae. Ako na nga ang nagsabi na playboy siya, hindi ba?      At mukhang ayaw pa siyang paalisin ng babaeng iyon. Para bang miss na miss siya ng babae at kulang na lang ay ang lumingkis ito sa kan’ya. The girl is in the church but what she’s wearing tells me that she doesn’t have interest to attend the mass. Paano ba naman kasi? Sobrang ikli ng skirt niya at labas pa ang pusod niya sa suot niyang damit. Napairap ako at napailing. Gan’yang klase ba ng babae ang nagugustuhan ni Bryan? If so, why did he immediately agreed to be my fake boyfriend?     Halos kalahating oras na ang nakalipas nang mag-usap si Bryan at ang babae niya at mukhang wala nga talagang balak ang babae na pakawalan siya. Gusto ko pa naman nang umuwi. Kung i-drive ko na lang kaya itong kotse ni Bryan at iwan na siya rito? Natawa ako sa sariling iniisip. Mahirap ang gusto mo, Lei. Hindi ka nga marunong mag-drive.    While I was waiting for Bryan to finish his business outside, my phone vibrated inside my shoulder bag. Inilabas ko iyon at tinignan kung text ba ang dahilan ng pag-vibrate nito.     Text nga. It was Marga who texted me.    Margarette:   Lei, sa’n ka na? Nandito kami ni Inori sa bahay niyo. Sabi ng katulong niyo nagsimba ka raw.    Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang text. Nasa bahay sila? Napasabunot ako sa aking buhok, kailangan ko na talagang makauwi pero ‘yung kasama ko hindi pa rin tapos sa pakikipag kuwentuhan!   I typed a reply to Marga first before I decided to call Bryan even though he’s only outside. Medyo malayo kasi ang kinatatayuan nila sa akin at ayaw ko namang lumabas para lang sabihan siya na gusto ko nang umuwi.    Ako:    Pauwi na, anong ginagawa niyo sa bahay?    After I pressed the send button, I immediately dialed Bryan’s number. Nakita kong sinagot niya rin agad iyon.    “Hello?” medyo may inis sa kan’yang tono.    Napairap ako. siya pa talaga ang may ganang mainis? Siya na nga itong pinaghihintay ako!    “I need to go home now, ihatid mo na ako, ngayon na.” ma-awtoridad kong sambit.   I believed that I have the right to command him because in the first place, he was the one who brought me here so he should drive me home. Second, hindi ako marunong mag-drive kaya kailangan niya talaga akong ihatid! Hindi bale, I will learn how to drive so if a situation like this happens again, ako na talaga magmamaneho nitong kotse niya at iiwan ko na siya!    Lumingon siya sa kinaroroonan ng kan’yang kotse kung saan ako nakaupo kaya naman tinaasan ko siya ng kilay. “Ano, hindi ka pa ba tapos? I don’t know how to drive but maybe I can learn how to drive using your car. Mamili ka, gusto mo bang ihatid ako, o mabunggo itong kotse mo sa kung saan-saan?”    Ibinaba ko na agad ang tawag at nginitian ko siya dahil nakatingin pa rin siya sa akin. I didn’t intend to threaten him but it sounded like that kaya naman wala akong magagawa. Siguro naman ay may halaga sa kan’ya itong kotse niya.    Hinaplos ko ang steering wheel ng kan’yang kotse at sinubukang paikutin iyon. Paano ba ito paandarin?  Siguro, kailangan ko na talagang mag-aral kung paano mag-drive. I feel so dumb looking at the steering wheel.  "Don't touch that."     Nagulat ako nang makitang bukas na ang pinto ng driver’s seat at nakatayo na roon si Bryan. Hawak ko na ang gear lever ng kan’yang kotse nang sabihin niya iyon. Unti-unti kong niluwagan ang pagkakahawak doon at inalis na nang tuluyan ang kamay ko.    “Akala ko hindi pa rin kayo matatapos, eh.” hindi ko alam ngunit pakiramdam ko ay may halong pait sa tono ng aking boses nang sabihin ko iyon.     Nakangisi siya habang sumasakay sa driver’s seat. “Bakit, nagseselos ka ba?”     “E-Excuse me?! Feeling mo naman may gusto ako sa’yo?! Sabi ko nga ‘di ba, I need to go home.” Umirap ako. Magtataray na lang ba talaga ako sa tuwing kasama ko siya?     “Bakit ba uwing-uwi ka na? We should eat first,” sambit niya.    Bumuntong hininga ako at naisip ang naghihintay kong mga kaibigan sa bahay namin. “I can’t. Nasa bahay ang mga kaibigan ko and they’re waiting for me.”    “Pauwiin mo, it’s our day today,” sagot niya.    Para bang wala siyang pakialam sa sinabi niya. Pero ako, heto na naman at parang may naghahabulan na naman sa aking dibdib dahil sa bilis ng kabog nito. Ano ba itong nararamdaman ko? I have a feeling that it’s because of Bryan but I just can’t accept it. Sa kan’ya lang naman ako nakararamdam nang ganito. Iyong feeling na hindi mo maintindihan. Iyong pakiramdam na para bang hinahabol ka ng maraming kabayo at may umiikot na mga paru-paro sa loob ng tiyan mo. Iyong pakiramdam na hindi ka komportable ngunit gustong-gusto mo ang ganoong pakiramdam… Para saan ang mga nararamdaman kong ito? Ano ang ibig sabihin?    “H-Hindi p’wede, maghihinala sila.” halos hindi ko na masabi nang maayos ang gusto kong sabihin.   Bumuntong hininga ako. Kung ano man ‘tong pakiramdam na ‘to, sana ay magdudulot sa akin ito nang mabuti.   “Bakit kasi hindi mo na lang sabihin sa kanila na may boyfriend ka na?”    I wanted to laugh at what he said but I can’t. Seryoso ba siya sa sinasabi niya? Does he really acknowledge himself as my boyfriend? Nakalimutan niya bang fake lamang ang lahat ng ito?    “Are you serious, Bryan? You haven’t forgotten that you’re not my real boyfriend, ‘di ba? O nakalimutan mo na?”    Gustong-gusto kong ipamukha sa kan’ya na hindi totoo ang namamagitan sa amin. Sa una pa lang, iyon na ang napagkasunduan naming dalawa. Walang p’wedeng makaalam sa pekeng relasyon namin, lalong-lalo na ang mga kaibigan ko. Wala mang kontrata ay mayroon naman kaming verbal agreement.    “At isa pa, nakasaad sa rule #3 na walang p’wedeng makaalam tungkol sa relasyon nating ito dahil hindi naman ito totoo,” dugtong ko pa.    Tumango-tango si Bryan. “May rule #4 pa ba?”    Oo nga pala, I forgot about the rules. Hindi ko pa pala nasasabi sa kan’ya lahat. Mabuti na lamang at pinaalala niya.    “Okay, rule #4. You can still flirt with other girls hangga’t gusto mo. Same goes with me. P’wedeng-p’wede akong makipag-flirt sa kung sino mang matipuhan ko. Also, no jealous moments. Ayaw kong makarinig mula sa’yo na nagseselos ka, at ganoon din ako sa’yo. Got that?”    Ito ang rule #4 ko. Sa tingin ko, tama lang naman ang rule na ito upang mas maalala niya na hindi totoo ang relasyon namin. At ganoon din para sa akin, para ma-emphasize ko sa sarili ko na tigilan na ang kung ano mang nararamdaman kong ito.    Hindi ba’t masyadong mabilis, Lei? Maybe, what you are feeling is just a phase. Mawawala rin ‘yan agad. Kung gaano kabilis mong naramdaman, ganoon din ‘yan kabilis maglalagi sa puso mo. Ibig sabihin, mawawala rin agad.    “Paano nga kung ayaw ko na sa iba? Paano kung gusto kong totohanin na lang itong sinasabi mong pekeng relasyon natin?” Tumaas ang kilay niya.    Hindi ako nakasagot. Natameme ako sa tanong niyang iyon. Hindi ko alam kung paano sasalungatin ang tanong niyang iyon. Dahil itong letseng dibdib ko, ang bilis at ang lakas na naman ng kabog.    “What, Leila?”    Dahil nga hindi ako na nakapagsalita, tinawag niya ulit ako ngunit wala pa rin akong nasabi. Hindi ko alam ang sasabihin. Bakit ganoon? Bakit hindi ko alam kung paano iyon sasagutin? Bakit hindi ako makapag-isip ng sasabihin? Bakit ang tanging naiisip ko lang ay kung totoo ba ang paanong iyon ni Bryan?    Bakit parang sobrang bilis ko naman ‘atang bumigay?    “S-Stop flirting with me, Bryan. It’s not funny,” I said, threatening him.    Hindi ko alam kung natakot ko ba siya sa sinabi ko. Ngunit nang lingunin ko siya at nakitang nakangisi lamang siya sa akin at parang hindi man lang siya natinag, alam kong nasa panganib na ang puso ko.    He grinned and touched my hair. “Kidding.”    “Tagal mo naman makauwi.”    Dahan-dahan kong isinara ang pinto. Nakauwi na ako sa aming bahay at totoo ngang nandito sina Marga at Inori ngunit pakiramdam ko, hindi ko sila kayang makausap ngayon. Umupo ako sa katapat na sofa at pumikit. Pagod na pagod ang utak ko kahit na kalahating araw pa lamang ang dumaan.    “Hello, Leila? Nandito kami,” tawag ni Marga.    Nilingon ko siya ngunit hindi ako nagsalita. Tinitigan ko lamang siya. Bumibisita naman talaga silang dalawa rito ni Inori ngunit ngayon, gusto ko na lamang silang pauuwiin dahil gusto ko munang mapag-isa. Nahihirapan akong mag-isip ‘pag mayroon akong kasama.    “Are you okay, Lei?” may halong pag-aaalala sa boses ni Inori.    Tumango ako. “Pagod lang. Gusto ko lang munang magpahinga.”    When I said that, they immediately bid their good bye to me. Kilalang-kilala talaga nila ako. Alam nila kung kailan ko ayaw na makipag-usap at kung kailan ako okay. Hindi bale, babawi na lang ako sa kanila sa mga susunod na araw. Sa ngayon, I really need to focus on myself and to this stupid feeling.    Nahiga ako sa aking kama at ngayon ko lang na-aappreciate ang kalambutan nito. Pakiramdam ko, niyayakap ako nito nang mahigpit at pinapagaan ang pakiramdam ko. I closed my eyes and tried to sleep but I can’t. Bumabalik sa utak ko ang sinabi ng lalaking iyon kanina.    He’s just kidding on what he said about what if he wanted to make our fake relationship into real one. He’s only kidding. I am supposed to be happy with it because I told myself that I don’t like him but why am I feeling like something heavy is inside my heart? Bakit naiinis ako at nalulungkot din sa sinabi niyang iyon?    Do I like him now? Or do I like him even in our first meeting, and I just denied it to save myself from him? Pero ngayon, parang hindi ko na ‘ata maisasalba ang sarili ko sa kabaliwan na ito.    I thought of something else but he occupied all the spaces inside my head. Para bang ipinapamukha niya sa akin na kung ano mang nararamdaman ko para sa kan’ya, lahat iyon ay totoo at kailangan ko iyong tanggapin.    I could have accepted my feelings for him if he’s not a playboy. Associating myself with him is like hurting myself in advance. Pero ano ba itong ginagawa mo ngayon, Leila? Hindi ba at sinasaktan mo rin ang sarili mo dahil ginawa mo pa siyang boyfriend mo? But that was a different case. Kailangan ko iyong gawin dahil hinahanap siya sa akin ni kuya.    Pero… Kasalanan ko pa rin iyon. Sinasaktan ko lang ang sarili ko. Ang akala ko kasi, hindi ako makakaramdam ng ganito sa kan’ya ngunit heto ako ngayon, hindi na mawala ang pangalan niya sa isip ko. Ayaw kong masaktan ngunit ako rin ang gumawa ng dahilan para masaktan ako.    I should think of something to do to stop myself from falling for him more. Tama na iyong hanggang dito na lang. Huwag ka nang sumobra pa kung ayaw mong masaktan.    My phone vibrated at nakita ko agad kung sino ang dahilan nang pag-vibrate noon dahil katabi ko lang ang phone ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang laman ng message.    Bryan:   Did you get home safely?    Napapikit ako at napasigaw. Ayaw niya ba talagang umalis sa utak ko? Bakit kung kailan sa oras pa nang pag-iisip ko sa kung anong p’wedeng gawin para matigil itong punyetang nararamdaman ko para sa kan’ya, saka siya mag-se-send ng ganitong message? Pinaglalaruan ba ako ng tadhana?    Nagtipa ako ng isasagot sa kan’ya.    Ako:    You drove me home, nakalimutan mo na?    Bryan:    I only drove until outside of your subdivision, malay ko naman kung nakarating ka nang maayos sa bahay niyo.    Napabuntong hininga ako at napapadyak. Bakit ba ganito siya? Bakit sobrang gentle niya sa akin?     Ako:   P’wede ba, Bryan? Kausap mo ako ngayon, sa tingin mo hindi ako nakarating nang maayos?    Hindi na siya sumagot. Panay lang ang titig ko sa conversation naming dalawa nang biglang lumabas ang pangalan niya sa screen, tumatawag na siya.    Shit.    I panicked. Should I answer it or not?    Bumuntong hininga ako at pumikit. Answer it, Lei. Baka maghinala siya ‘pag hindi mo iyan sinagot. I cleared my throat first before sliding the green button.    “Hello,” sambit ng nasa kabilang linya.    “Bakit?” pinilit kong patatagin ang boses ko.    Tumawa si Bryan. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung para saan ang pagtawa niyang iyon. Wala namang nakakatawa.    “You sound so mad. What’s the matter?”    I rolled my eyes. Gustong-gusto kong sabihin na dahil sa kan’ya kung bakit ako naiinis ngunit mas lalo lamang hahaba ang usapan kaya hindi ko na lamang sasabihin iyon. Hindi na rin hahaba ang usapan namin.    “Hindi ako galit. Pandinig mo lang ‘yon,” sagot ko.    Wala nang nagsalita sa amin. Akala ko, namatay na ang tawag ngunit nasa linya pa naman siya. Ilang sandal pa ay narinig ko na lamang na kumakanta na siya.    “Can I go, where you go? Can we always, be this close?”    It was my favorite song. Napangiti ako. Naalala niya pa kaya iyon?    Parang hinehele niya ako dahil sa lamig at lambing ng boses niya. Nawala ang lahat ng iniisip ko kanina at hindi ko na naiwasang pumikit. Tuluyan na akong nakatulog at hindi ko na alam kung kumakanta pa ba siya o naibaba na ang tawag.    “Good morning,” bulong ng kung sino sa akin.    Halos manginig ako dahil sa lamig ng boses na tumama sa aking tenga. Nang lingunin ko kung sino iyon, nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Bryan ang bumulong sa akin!   Teka, ang aga niya naman ‘ata ngayon! Hindi siya late!    “Kamusta ang tulog mo kahapon? Nagising ka pa ba?” Nakangiting tanong ni Bryan.     Napairap na naman ako. Lunes na nang umaga at nandito na ako sa school ngayon. Maaga talaga akong pumapasok kaya hindi na bago sa akin ang maglakad sa corridor na wala pang mga estudyante at sarado pa ang mga room. Mas nakakagulat at nakakapanibago na makitang maaga ring pumasok si Bryan ngayong araw!    “Himala, ang aga mo ‘ata ngayon?” hindi ako lumingon sa kan’ya nang sabihin ko iyon.    I diverted the topic in purpose. Ayaw ko kasing pag-usapan ang pagkanta niya sa akin kahapon at ayaw ko ring aminin na nakatulog ako dahil sa boses niya.     “Early bird kasi ang girlfriend ko, kaya early boyfriend na ako simula ngayon,” sagot niya, nakangisi pa.    Napailing na lamang ako at pinipigilan ang ngumiti. I thought of avoiding him starting today but how will I do that if he’s like this?    Suminghap ako. I’m in a big trouble.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD