Bridgette POV The betrayal. Unti unti kong minulat ang mga mata ko. Nagising ako sa pamilyar na silid. Mula simple nitong disensyo alam kong kwarto ko ito. Pero agad nanlaki ang mga mata bakit may mga mga machine dito at andaming nakakabit sa akin. Tila ba uhaw na uhaw rin ako dahil sa panunuyo ng lalamunan ko. Anong nangyayari? Pinipilit kong magsalita pero wala ni isang salita ang lumalabas. Naiiyak na ako sa sitwasyon ko. Asan ba ang asawa ko? Asan si Vance? Bakit nandito ako sa bahay ko? Bakit parang may nag iba na? Hanggang sa bumukas ang pinto. Dali daling yumakap sa akin si Kuya Prince at bakit parang naluluha siya? Ano ba talaga nangyayari? "Bridgette buti gumising ka na." Lumuluha niyang sabi at hinalikan ako sa noo.Yung totoo ano ba talaga nangyayari? Puro tanong nalang ako.

