Fear is the primary source of prejudice, as well as one of the primary sources of cruelty. Conquering fear is the first step toward enlightenment.
Pagkatapos mawala sa paningin ko yung amazonang baby ko na yun na walang awa na kinagat ang ilong ko. Geez no one dares to touch and bite my nose. No one dares to hurt me. Pero kung siya sure kagat lang everywhere. Siya lang, my baby. Sumakay na agad ako sa sasakyan ko at pinaandar ito alangan namang itulak ko diba. Maiba ako grabe na itinaas ng presyo ng gas parang grades ko lang before when I was in college.
Habang nagmamaneho ako papunta sa bahay ng amazonang baby ko na yun, s**t ang harot ko naman, rawr. Hinihilot ko ang ilong ko. Humanda talaga sya inuubos nya ang pasensya ng isang Vance Leigh Shrader. Pero kung siya naman uubos ng pasensya ko, sure why not? Damn napaka rupok ko naman na.
Nakarating na ako sa bahay niya. Paano ko nalaman syempre dahil ehem gwapo kasi ako with lots of connection. Money can really buy everything and you can know everything with the use of money. Kaya sa nagsasabing money can't buy happiness talk to my ass, just kidding.
It's a simple house. Malinis at peaceful kung titingnan pero hindi ba delikado ang bahay na ito parang ang bilis lang pasukin lalo na kung may magnanakaw. May maliit syang garden at may mini gate din, nakabukas pa nga kaya pumasok na ako. Sabagay amazona naman pala ang baby ko pero delikado pa rin dito or it's just me na nag-iisip ng ganun.
So I decided na kumatok na lang para makita at makausap siya. I need to formally apologize to her.
"Sino po yan!?" Pasigaw na sabi nito .Dahil gwapo ako at ehem gwapo ulit. Hindi ko sinagot ipinagpatuloy ko lang ang pagkatok. Alam kong mali na hindi nagsasalita pag tinatanong pero ewan ko ba. Ang cute niya kasi pagnaka amazona mode, lalo akong kinikilig, damn.
"Teka lang ho. Shoppee po ba iyan?"
Kasabay ng pagbanggit nya ng mga salitang yun bumukas ang pintuan . She was shocked at first pero agad din syang nakabawi at tumaas ang kilay. She's really gorgeous. I smirk nagwapuhan na naman sa akin ang baby ko.
Bridgette POV
"Bakit may pa-smirk smirk kang nalalaman diyan? Aber? Paano mo nalaman ang bahay ko? Akala ko si Kuyang Shoppee deliveryman na ang kumakatok. To receive na kasi yung parcel ko." To my dismay hindi ito si Kuyang Shoppee but the Jerk who fired me. Pero ang loko dire-diretso lang sa loob ng bahay. Aba't feel at home. Ano to feeling close?
"So Amazona baby ito pala ang bahay mo. Alam mo bang mali ka na basta ka nalang nagbubukas ng pintuan without knowing kung sino ang nasa labas." Umupo pa ito ng prente at tiningnan ang buong bahay. Malinis naman ang bahay pero aba't anong sabi Amazona baby daw!?
"Hoy! Anong Amazona baby!? At malamang bahay ko to alangan namang bahay mo to? At pwede ba lumayas ka na kaasar ka akala mo wala kang hindi magandang sinabi kanina ha. Please Mr. Owner of the school stop calling me baby. I'm not your baby for Chirst sake. "
"Ganyan ba talaga pakikitungo mo sa gwapong bisita mo baby? Be nice to your baby, hey that's me!" nang-aasar at naaaliw na tanong nito. With galaw galaw pa nang dalawa niya kilay. Jusko bakit napakaharot nito. May sapak ba ito or nakalaklak ito ng energizer taas ng energy di ko mareach.
"First of all hindi kita baby, Mr. Shrader. Pangalawa Bridgette ang pangalan ko at hindi baby. For your information hindi ako nagagwapuhan sayo. At higit sa lahat hindi kita bisita, bwisita pa kamo."
"Ang harsh naman ng baby ko." Malambing pero halatang nang-aasar na sabi nito. Habang nagtataas baba ang kilay nya edi sya na ang makapal ang kilay. Sabi sa nabasa ko ang mga lalaking makakapal ang kilay kadalasan manloloko. Pero teka tinawag nya ako ulit akong baby. Hindi niya ako baby, jusme, napakaharot ng lalaking 'to. Itsura palang mukhang walking playboy na. Auto pass, ultra mega pass.
"Baby ouch! Aray! Stop!"
Reklamo nya kinurot ko nga ang tenga may pa baby baby pang nalalaman ano ako ako sanggol baka nga kaya ko ng magluwal ng sanggol, charrr. Inuubos talaga ng lalaking to ang pasensya ko.
"Tigil-tigilan mo ako sa kaka baby mo at baka hindi ka makalabas ng buhay dito!" syempre joke lang yung hindi makakalabas ng buhay no to violence against man tayo dito.
"Kinikilig ka noh? Baby naman. Hindi ako makakalabas ng buhay dito baby. Bakit papatayin mo ba ako sa pagmamahal mo? Damn game ako dun. I want that." Malambing na sabi nanaman nito. Napaka kulit at harot naman nitong male species. Sususntukin ko na sana sya sa sikmura para manahimik pero kinuha nya yung kamay ko.
"Sumusubra ka na ha! Baka gusto mong makatikim ng ----!" Cold ngunit may diing sabi nito .
Agad naman akong natulala at feeling ko maiiyak na ako dahil sa takot, makatikim ng ano? Bugbog? pananakit?
Mula sa makulit at playful na aura nito naging madilim ang mukha nito ngayon.
"I was about to say pagmamahal, baka gusto mong makatikim ng pagmamahal? grab mo na para yours na agad baby. I'm so sorry. Hush now Baby, hindi na kita pagtataasan ng boses. I wouldn't make that as a joke again. Joker kasi ako sa past life ko." pagpapagaan niya sa atmosphere.
Bumalik na naman ang malambing na boses nito. Pero ako patuloy sa pag sinok wala na akong pake kung tinawag nya akong baby, powtik kasi kanina ko pa yun sinasabing tigilan na ang pagtawag pero parang wala naman siyang naririnig.
Yakap yakap nya pa rin ako ngayon. Agad ko syang naitulak ng marealize ko ito. Minus points na naman sya sa akin.
"Para kasing nagbabantaaa ka kanina." mahinahon at kalmado kong sabi at paliwanag.
" Damn I'm sorry baby I was about to say my pickups lines kasi. Ano my offer is still available pa rin baka gusto mong makatikim ng pagmamahal ala Vance Leigh, grab mo na para yours na ako." Nagsmirk pa ang loko at nangingiti.
"What!? Siraulo ka talaga. Paayos mo na yang utak mo, may tama na yan."
"Oo may tama sayo, tinamaan na kasi ako. Patikimin kita ng pagmamahal Baby, you want? "Sabi pa nito na may kasamang kindat.
"Letse! Flirt! Layas!"
Pinagtutulakan ko na ito. Ang lakas ko ata maybe because of adrenalin rush. Habang tinutulak ko sya palabas naka yuko ako. Bakit? Kasi feeling ko ang pula-pula ko na. Ayun ang loko umalis ng tumatawa at nag flying kiss pa, may saltik na nga talaga yun.
"Bye baby ingat ka, lock the door na, papakasalan pa kita." Agad kong sinara ang pinto at napa-walling sa likod ng pinto. Shemay kinikilig ako sa mga sinasabi niya, masama na 'to.
Biglang tumunog ang cellphone ko. Sino na naman kaya ang nagtext? Agad ko itong binuksan at feeling ko namumutla na ako ngayon. Yung kilig na naramdaman ko unti unti ng nawala. Napalitan ng matinding kaba at takot.
Text Message
Fr:0926527334*
I'm watching you Sweetheart, I always do. Wanna know who's the next victim? Hwag ka ng babalik sa school na yun baka gusto mong isunod ko na sya. You're mine. mine alone. Always remember that. Akin ka lang!!!
-D
Nanginginig akong napaupo. Sino ba sya? Kailan nya ba ako titigilan!? Napaiyak na lang ako buti at wala si Baby Zeus ngayon sa bahay. I don't want him to see me in this state, miserable.
Na kay Kuya Prince sya nagbakasyon sya mga one week din sya dun pagkatapos kasi ng online class niya kanina sinundo agad ito ni Kuya Prince, inaaya pa nga nila ako pero hindi na ako sumama.
At ako na mag-isa nanaman dito. Walang trabaho dahil sa lalaking yun na basta nalang aking tinanggalan ng trabaho at ngayon naman bigla akong hinaharot.
Bukas na bukas maghahanap na ako ng bagong trabaho para may maipadala akong pang gastos ni Baby Zeus although sabi ni Kuya no need na daw pero nakakahiya kasi at wala na din akong balak bumalik sa Shrader Academy.
Pero kinatatakot ko ay ang misteryosong nagtext sa akin. Ayoko ng mangyari ulit ang nakaraan. Ayaw ko na talaga.
Until now I'm fixing myself day by day pero hindi madali at konti nalang aayaw na ako.