Tila nabuhayan ng loob ang lahat sa di inaasahang narinig. Ang napakalungkot na tagpo ay biglang nabigyang buhay at nakapagbigay ng ngiti sa mga labi ng bawat isa sa pamilya. Nagpalakpakan sa tuwa ang magkakapatid na sina Anton, Dodong, Clara, at Letecia. Pagkatapos ng almusal, agad naming tinungo ni Maritess ang puntod ni James at ipinaalam ang disisyon. “James... alam kong ikaw ang nagtulak na gawin ko ang disisyon na ito. Nandito kami upang hingiin ang iyong basbas. Sana, masaya ka sa disisyon naming ito ni Maritess. Bigyan mo kami ng palatandaang wala kang pagtutol sa gagawin namin.” Bulong ko. Pagkatapos na pagkatapos kong sabihin iyon, naramdaman kong animo’y may ihip ng malamig na hangin dumampi sa katawan ko. “Naramdaman mo iyon?” Tanong ko kay Maritess. “Ang ano?” sagot n
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


