Loyal "Napapadalas ata ang pagpunta mo rito?" Tumaas ang kilay saakin ni Zera nang mahuli na naman ako sa hapong iyon na papasok sa College building. "Pupuntahan ko si Franca," pagsisinungaling ko na mas ikinaangat ng kanyang kilay. Tumingin lamang iyong gwardya sa amin, nang balingan ko ay ngumiti. I smiled a bit, too. Pampagoodshot baka sa susunod ay hindi na ako papasukin noon. Naunang pumasok si Zera. Ilang sigundo akong tumitig sa kanya na lumingon pa sa akin sandali pero umirap lamang at nagpatuloy sa paglalakad. She's bringing her lunchbox again with her. Where's Elle? Isinantabi ko nalang ang aking pag-iisip at pumasok. May iilang estudyante ang nagkalat sa paligid. Katulad ng kanilang uniporme ay naiiba na naman ako at lutaw na lutaw ang pagiging highschool. May grupo n

