Ikaw pa kaya? Sa huling araw namin roon sa hospital, bigla nalang sumulpot roon si Faith. Ang pisngi ay may bandage at may dalang papeles. "Oh my gosh, Toshi! Anong ginawa ni Irah sa'yo?!" Mabilis siyang nagtungo sa gilid ni Toshi at itinulak pa ako paalis roon. Dad's brow furrowed while si Mommy naman ay takang taka. Narito ang lahat sa loob ng kwarto at hinihintay nalang na madischarge si Toshi mamaya para makaalis rin kaming lahat. Ang kanyang presensya ang kumuha ng atensyon ng bawat isa na naririto sa loob. "Nalaman ko ang nangyari! Sabi ko naman sa'yo mapanakit iyang si Irah! Anong ginawa niya?! Siya ba ang may gawa nito?—" "Enough, Faith..." Tinanggal ni Toshi ang mga kamay ni Faith sa kanyang pisngi. Mabilis niya akong nilingon, matalim agad ang tingin. Akma niya akong lalapi

