Real Buenaventura Inalis niya ang gymbag na nakasabit sa kanyang balikat saka iyon inilagay sa tabi ng aking gymbag. Bryce changed alot. Mula sa kanyang tindig ay mukhang tumangkad pa ito at mas naging built-in ang katawan dahil siguro sa kakawork-out. Ang napansin ko agad ay ang new cut ng kanyang buhok. May dalawang linya ang gilid noon habang nakasuklay paatras ang buhok at binabalandra ang noo. He got two piercing on the left side of his ear, making him to look like a frigging badboy. "How are you?" Pinasadahan niya ako ng tingin at nagningning agad ang mga mata, mas lalo pang ngumisi sa akin. "I've seen your photoshoots. Sikat kana." Humalakhak siya. Ngumiti narin ako. "I'm doing well and um, I already have a boyfriend." Deritsahan kong sabi na unti-unting ikinawala ng liwanag sa

