Seryoso Tanghali na akong nagising dahil sa nangyari kagabi. Mag-isa nalang ako sa kama noong bumukas ang aking mga mata. Ang aking buong katawan ay mabilis na nabuhay at awtomatikong napabangon sa kama. Asan si Toshi? Ang lamig ng sahig ay nanuot sa akin nang nagmamadali akong humakbang palabas ng kwarto at tanging puting polo ni Toshi ang suot. Kahit ang buhaghag na buhok ay hindi ko na maayos ayos sa kakamadali. Ang aking kaba ay mabilis rin namang nawala nang matagpuan ko ang kanyang imahe sa sala at nakaharap sa aquarium. I think he's feeding and talking with our pet named Twirl. Bumagal ang aking paglalakad at nagtungo sa kanyang likuran. He's topless again wearing a black sweatpants. Niyakap ko siya roon na ikinalingon niya sa akin. "Akala ko..." bulong ko sa malungkot na bos

