Ibahin mo ako, Irah Daddy is right. Masyado na akong nagpapalinlang sa aking nararamdaman kaya ipinapakita ko na ang lahat kay Toshi. Kulang nalang ay ipagsigawan ko ang damdamin ko para sa kanya dahil sa aking kahibangan. Naiignorante ako sa pag-ibig na ngayon ko lang naramdaman. Malayong malayo ito sa mga nakakarelasyon ko na parte lamang ng aking paglalaro at pagtuklas sa bagay bagay. Dad is letting me to fall inlove. Pero minumulat niya rin ako sa kahihinatnan ng pinapasok ko. He doesn't want me to get hurt. Alam ko namang iyon ang pinupunto niya. Na hindi natutulad sa libro ang pagmamahalan ng mga tao sa reyalidad. Minsan, mas marahas pa ang mundong totoo kaysa sa libro dahil hindi lahat ng pagkakataon ay may happy ending ang pagtatapos sa dulo. Hindi palaging pinagtagpo kayo dahil

