Hindi kita iiwan The runway is already set when I arrived at the venue. Lahat ng mga modelo ay nagkakagulo na sa likod ng stage at abala narin sa gaganaping pagrampa. Nailing ang ilang staff at wala nang sinabi sa akin, sinenyasan nalang iyong tatlong mag-aayos sa akin nang matyempuhan ang aking presensya. "Why are you late again?" tanong noong babaeng nag-aayos sa aking buhok habang ang isa ay nasa aking mukha na, iyong isa naman ay hinuhubaran na ako ng damit sa aking likod na tanging zipper lamang ang tumutulong para yumakap iyong damit sa aking katawan. My dress fell on the floor. Inihakbang ko paalis ang aking mga paa roon saka iyon pinulot ng mag-aayos sa aking suot. Hindi na ako sumagot roon sa tanong ng aking hairstylist dahil ang kanyang atensyon ay napunta narin ng buo sa

