“Are you out of your mind? Anong ginagawa mo dito?” Bati ko sa kanya pagkapasok ko sa sasakyan niya. I also asked him to park the car inside. Madaling araw na kasi at delikado pa rin kung nasa labas lang ng gate ang sasakyan niya. Kahit na subdivision ito at may guard, may mga tambay pa rin sa kanto kanto. “Got bored.” Walang gana niyang sabi sa akin. Nakapikit siya at nakasandal sa upuan niya. I stared at him and saw that he is tired. Bakit pa siya pumunta dito kung puyat pala siya? Hindi ko naman siya tinawagan para puntahan ako dito eh. “You want to go inside?” Tanong ko pero umiling lamang siya. So mananatili.kaming dalawa dito na nakaupo lang? “You should go home then.” I said then decided to get out of his car. “I don’t want to go inside because I know it will just be the two of u

