SIMON'S POV: BAGSAK ang balikat ko na dumating sa hacienda, lulan ng chopper ni Noah. Matapos naming magkausap ni Jenny at tinapos na niya ang relasyon namin, umalis na ako. Pakiramdam ko, wala na akong lugar sa kanila kaya kahit mabigat sa loob ko, umuwi na ako. Habang nasa ere, hindi ko namamalayan ang pag-agos ng luha sa pisngi ko habang naiisip si Jenny. Sobrang sakit sa akin ang katagang binitawan niya. Na nakipaghiwalay na siya sa akin at itinuturing na lang niya ako ngayong. . . ninong niya. Parang sinasaksak ng kutsilyo ang puso ko na paulit-ulit nagre-replay iyon sa isipan ko. Pakiramdam ko ay bumagsak ang mundo ko sa mga sandaling ito. Gusto ko siyang intindihin at kumplikado pa ang sitwasyon namin. Gusto kong unawain na lamang siya at pakawalan na muna para maabot ang mga p

