JENNY'S POV: MAGDAMAG kong hindi iniimikan si ninong. Ewan ko pero bigla kasing sumama ang loob ko. Hindi naman ako galit sa kanya. Hindi ko alam kung nagtatampo lang ba ako o ano. Basta, nainis ako at sumama ang loob ko nang sabihin niya kagabi kung gaano niya kamahal ang yumao niyang asawa. Na walang babae ang makakapalit sa asawa niya sa puso niya. Ang babaw, right? Why am I annoyed that he still loves his late wife? Na ito pa rin ang laman ng kanyang puso. Na walang babaeng makakahigit sa asawa niya. Naiinis ako. Kaya hindi ko siya iniimikan magmula pa kagabi. “Sweetheart, are you ready?” ninong asked me. Ngayon kasi kami babalik sa hacienda. Tumila na ang ulan at humupa na rin ang baha. Maaraw na rin sa labas. “Jenny, may nagawa ba akong ikinagagalit mo?” he asked me again bec

