Chapter 2

1720 Words
JENNY'S POV: TIK-TILA--OO--OOKKK! NAPABALIKWAS ako sa kama na sunod-sunod ang pagtilaok ng mga manok mula sa labas! My goodness! It's only 5 o'clock in the morning. I'm still sleepy but those roosters are so noisy! It irritates me! "Urgh! Bakit ba ang iingay ng mga manok ni ninong?! It's annoying!" Napapadyak ako ng mga paa. Gumulong-gulong sa malaking kama na tinatakpan ng unan ang tainga ko. Ang sakit sa tainga na sunod-sunod ang mga itong tumitilaok! Ang sarap nilang sakalin! Bumangon na ako sa kama. My body is still dizzy but I have no choice. Hindi pa rin kasi tumitigil sa pagtilaok ang mga manok sa labas. Mabuti sana kung soundproof ang silid ko katulad sa mansion para hindi marinig ang ingay mula sa labas. I headed to the bathroom. I washed my face and brushed my teeth. Itinali ko rin ng messy bun ang buhok kong sabog-sabog at tinatamad akong magsuklay. Inaantok pa rin ako pero hindi naman ako makatulog sa ingay ng paligid. Gan'to ba talaga dito sa probinsya? Oh my gosh! Ibig sabihin-- gan'to palagi ang bungad ng umaga ko?! "Urghh!" Napasigaw ako. I can't believe those roosters are going to ruin my peaceful sleep every morning! Hindi ko yata kayang magtagal dito! Nakakainis! "Señorita? Ano po ang nangyayari sa inyo d'yan?" Napalingon ako sa pintuan na may sunod-sunod na kumatok doon. I rolled my eyes. I'm pretty sure it was the old woman. "Señorita?" she knocked the door again while calling me. Naiinis akong nagtungo sa pintuan. Pinagbuksan ito. Gulat ang lumarawan sa kanyang mga mata. Napahagod pa siya ng tingin sa kabuoan ko. "Magandang umaga po, señorita. Bakit po kayo sumigaw? May problema po ba?" magkasunod niyang tanong. I took a deep breath. Napakamot ako sa kilay. "Nothing, Nanay. Those roosters. They're so noisy and it annoys me. Ang aga-aga pa pero napakaingay nila. Hindi niyo po ba pwedeng patahimikin ang mga iyon?" reklamo ko. Siya naman ang napakamot sa kilay. Alanganing ngumiti sa akin. Tila hindi niya naintindihan ang mga sinabi ko. "Roosters? 'Yong mga panabong po ba, señorita? Gusto niyo po bang umulam ng manok panabong?" she asked. Napakurap-kurap ako. Didn't she get what I meant? Malinaw naman ang sinabi ko a. "What are you saying, Nanay? What I'm saying is. . . those roosters are so noisy. It's annoying. Nagising ako dahil sa ingay nila." I said. "Pero-- we can cook them po para wala nang maingay sa umaga. What do you think, Nanay?" "Hehe." She fake her smile. Napakamot pa sa ulo. "Pasensiya na, señorita. Hindi natin pwedeng iluto ang mga 'yon. Magagalit naman ang ninong mo. Mahal ang mga panabong niya naku, ang mamahal din ng pagkain at mga bitamina ng mga manok niya." She answered. Napabusangot ako sa isinagot niya. Mukhang mahal na mahal ng ninong ang mga manok niya at nakahandang gastusan ang mga ito. Tsk. Ang iingay kaya nila sa umaga. "Fine. Kung hindi pwede, e 'di hwag." I answered. Sumunod naman siya sa akin na bumaba na ng hagdanan. "Where's ninong anyway?" "Where? Ninong?" napaisip pa siya na inulit ang tanong ko. "Ah! Tinatanong mo kung nasaan ang ninong mo, tama po ba, señorita?" tanong niya na nakuha ang itinanong ko. Gosh. Seriously? Hindi ko tuloy mapigilang mapatirik ng mga mata sa inis. Nakakainis na 'yong mga manok ni ninong e. Pati ba naman mga makakasama ko dito sa mansion? What the hell! "Opo. Where is he?" sagot ko. "Naku, umalis na po, señorita. Pero inihabilin ka niya po sa amin. Hwag po kayong mag-alala. Hindi naman po namin kayo pababayaan dito," she answered with a smile on her lips. "Umalis na? Maaga pa naman a." Usal ko. Gano'n ba siya kaabala? Hindi ko na nga siya nakita kagabi e. My God. I don't even know his face. I've never seen him yet. I only know his name. "Maaga po talagang bumababa sa bayan si boss, señorita. Pero kung may kailangan po kayo, magsabi lang po kayo. Hindi kasi natin matatawagan si boss at wala tayong internet dito sa farm." Wika pa nito while we're heading to the dining room. "Really? Bakit po? Ano ba'ng ginagawa ni ninong sa bayan?" I curiously asked. She open the door for me. Pilit akong ngumiti sa kanyang ginawa. Kahit masungit ako sa kanila at hindi nakaharap ang ninong, inaasikaso pa rin nila ako. "May pinapatakbong shopping mall si boss sa bayan, señorita. Ang commercial building nga niya ang isa sa mga pinakakilalang shopping mall dito sa bayan namin e." She proudly answered. Lihim akong napangiti. "Magandang umaga po, señorita!" Sabay-sabay na bumati sa akin ang mga katulong na nandidito sa kusina. Nakangiti sila na yumuko pa sa akin. I just simply nooded. Naupo ako sa silya. Kaagad naman silang naghain ng agahan sa akin. "Señorita, gusto mo po ba ng kape?" tanong ni nanay sa akin. "No, Nanay. I'm not drinking homemade coffee po. Unless, it's from Starbucks or from other coffeeshops." I replied. Nagkatinginan pa sila ng mga kasama namin dito sa kusina. I didn't mind them. Inabot ko ang kutsara at tinidor at nagsimulang kumain. "Ano daw ang sinabi?" nanay asked the other maids. "Hindi ko po naintindihan, Nay. Ang hirap namang pagsilbihan ni señorita. Masungit na nga e englishera pa. Nabobobo po ako e." Sagot ng isang katulong. "Aguy, dati ka ng bobo, Emily. Magtigil ka nga." Sagot ng isa pang katulong. "Yong sinabi ni señorita ang intindihin niyo. Sino ang nakakaintindi ng sinabi niya?" saway ni nanay. Napapailing na lamang ako sa isipan ko. Nagbubulungan ang mga ito but I can still heard them. Malapit lang naman kasi sila sa akin. "Naku, Nay. Ang sabi ni señorita, gusto niya ng kape pero mula sa Starbucks o coffeeshop. Paano 'yan? Bababa pa tayo sa bayan para kumuha ng kape niya? Aba e. . . pagkaarte-arte naman ng isang ito," wika pa ng isa. Natigilan ako sa pagsubo. Nilingon ang mga itong namilog ang mga mata na napatuwid sa pagkakatayo at nag-iwas ng paningin sa akin. Siniko ni nanay ang katabi niya. Mukhang iyon ang nagsalita na sinabihan akong maarte. Pilit ngumiti si nanay sa akin na naningkit ang mga mata ko sa kanila. "You," aniko na itinuro ang katabi ni nanay. Her eyes widen. Bakas ang kaba sa mga mata niya. I smirked at her that makes her swallowed. "A-ako po? Bakit po, señorita?" she nervously asked. It's confirmed. Siya nga ang tumawag sa akin ng maarte. Tumayo ako. I raised my right eyebrow and kept my eyes on her. "Go to the nearest coffeeshop and buy me a coffee. I want a caramel macchiato and a chocolate cake. Make it fast, you understand?" mataray kong utos dito. Her jaws dropped. Natulala na hindi nakasagot sa akin. I flick my finger para gisingin ito sa pagkakatulala. Pinanatili kong mataray ang itsura ko at nakataas ang isang kilay. "What are you waiting for? Inuutusan kitang bumili ng kape at cake ko sa bayan. Go!" untag ko. "O-opo, señorita. Bibili na po." Natataranta niyang sagot. "Karma, Bells," pang-aasar ng isang katulong dito na napairap. "Nay, saan ako kukuha ng pambayad?" tanong niya kay nanay. Naupo na ako. Nagpatuloy sa pagkain. Bahala silang sasakit ang ulo. Ako pa ang tatawaging maarte ha? Huh, akala ba nila ay gusto kong mag-stay dito sa hacienda nila? "Ah, e. . . wala akong pera dito. Dumaan ka na lang kay boss, ha? Bilisan mo at baka magalit si señorita. Hwag mong kalilimutan ang order niyang kape at cake daw." Habilin pa ng nanay dito. "Sige po, nay. Kainis naman e." AFTER eating my breakfast, I go back to my room. Tumambay na muna ako sa balcony at hindi na rin naman ako makatulog. Mabuti na lang at tumahimik na ang mga manok ni ninong. Naigala ko ang paningin sa paligid. The view from the balcony is stunning. You can see the vast vegetable garden of ninong. The air is cool and the surroundings are quiet. Walang mga sasakyan at magkakakilala ang lahat ng tao dito. Hindi katulad sa Manila na maingay ang paligid at halo-halo ang mga tao at sasakyan. "Ano namang gagawin ko dito? Nakakainis. Hanggang kailan kaya ako dito?" I murmured. Kahit maganda dito, hindi ko magawang mag-enjoy. How can I enjoy my stay here? Ni walang internet ang ninong. Kaya dito ako ipinadala ng daddy. Para makaiwas ako sa social media. Nakakainis. Wala naman akong kasalanan. Pero daig ko pa ang kriminal na nagtatago sa mga pulis. "Magandang umaga, Señorita Jenny! Napakaganda niyo po!" Napalingon ako sa ibaba ko na may tumawag sa akin. I raised my eyebrows and crossed my arms on my chest. Napangiwi naman ang tatlong binata na nasa baba at kumakaway sa akin. Nagsikuhan pa sila at wala akong kangiti-ngiti na nakamata sa mga ito. "Señorita, gusto niyo po bang mamasyal sa farm?" tanong ng isa. "Oo nga, señorita. Maganda po doon." Segunda pa ng isa. "No." I simply answered. Napakamot sila sa ulo. Nagkatinginan na napangiwi ang ngiting tumingala sa akin. "E sa batis po, señorita? Maganda din po doon. Gusto mo bang samahan ka naming mamasyal doon?" alok pa ng isa. "No." Malamig kong sagot. "Ngek. No daw. Ayaw." Wika ng isang binata sa mga kasama. "Bakit naman po, señorita? Ayaw mo bang mamasyal? Maganda po dito sa hacienda," tanong pa ng isang lalake. "Oo nga naman, señorita. Mas gusto mo bang magkulong sa silid mo kaysa mamasyal?" segunda din ng isa. I smirked at them. Natigilan ang mga ito na kinabahan. "Ayokong mamasyal na pangit ang mga kasama ko. Ang lakas ng loob niyong ayahin akong ipasyal. Naligo man lang ba kayo?" masungit kong tanong na ikinangiwi ng mga itong nagkatinginan. "Andoy, pangit at mabaho ka raw." "Oo nga. Nadamay tuloy kami. Sana manlang kasi naligo ka, Andoy." Pagsang-ayon ng isang binata sa kasama nito. Napaamoy naman ang tinawag nilang Andoy sa sarili. Napabusangot na sinamaan ng tingin ang dalawang kasama niyang napahagikhik at nag-apiran. "Ano? Ba't ako lang? E tayong lahat ang sinabihan niyang pangit at mabaho a." Sagot no'ng Andoy. "Ikaw itong huling nagtanong kay señorita e." "Gago. Lahat tayo nagtanong. Kung pangit at mabaho ako? Paano na lang kayo?" ingos no'ng Andoy ang pangalan sa dalawa. Naiiling akong nagpasa-pasahan ang mga ito at nagsisihan pa. Bumalik na ako sa silid na humiga sa kama. "Gosh. I'm so bored here."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD