JENNY'S POV: MATAPOS naming magkape ng ninong, nag-aya ito na mamamasyal daw kami dito sa farm niya. Tinatamad ako pero dahil kasama ko naman ang ninong, pumayag na lamang ako. Ayoko rin namang iwanan na naman niya ako dito. “Seriously, ninong? Sasakay tayo d'yan?” tanong ko na itinuro ang nilapitan nitong kabayong itim! He smiled and nodded. “Yes, sweetheart. Mas maganda kung sumakay tayo ng kabayo patungo sa batis. Medyo malayo iyon kaya mapapagod tayo kung maglalakad tayo,” he answered. Napakamot ako sa ulo. “Ninong naman. May dala tayong pagkain oh?” reklamo ko at may dala kaming tanghalian. Doon niya kasi gustong ipasyal ako total at tanghali na. Maganda raw doon at masarap mag-picnic sa batis niya. Kaya nagpabalot siya ng lunch kina nanay. May dala din kaming inumin, extra cl

