JENNY'S POV:
MAGDAMAG kong hindi iniimikan si ninong. Ewan ko pero bigla kasing sumama ang loob ko. Hindi naman ako galit sa kanya. Hindi ko alam kung nagtatampo lang ba ako o ano. Basta, nainis ako at sumama ang loob ko nang sabihin niya kagabi kung gaano niya kamahal ang yumao niyang asawa. Na walang babae ang makakapalit sa asawa niya sa puso niya.
Ang babaw, right?
Why am I annoyed that he still loves his late wife? Na ito pa rin ang laman ng kanyang puso. Na walang babaeng makakahigit sa asawa niya. Naiinis ako. Kaya hindi ko siya iniimikan magmula pa kagabi.
“Sweetheart, are you ready?” ninong asked me.
Ngayon kasi kami babalik sa hacienda. Tumila na ang ulan at humupa na rin ang baha. Maaraw na rin sa labas.
“Jenny, may nagawa ba akong ikinagagalit mo?” he asked me again because I didn't bother to answer him.
I took a deep breath. Walang emosyon ang mga mata na tumitig ditong napalunok nang magsalubong ang mga mata namin.
“Wala naman po, ninong. Tinatamad lang talaga akong kumilos kapag may monthly period ako,” pagkakaila ko.
Tumango-tango naman ito na naniwala sa akin. “Gusto mo bang dito na muna tayo? Bukas na lang tayo aakyat sa hacienda kung hindi maganda ang pakiramdam mo. At least dito, malapit lang tayo sa hospital just in case,” aniya na ikinatango ko.
Kaya ayoko ring bumalik sa hacienda. Dahil walang signal doon. Hindi ko na matatawagan ang daddy at higit sa lahat? Nandoon ang mga nakakabwisit niyang manok na nangbubulabog ng tulog ko sa umaga.
“Yes, please, ninong? Saka, masakit po kasi talaga ang puson ko e.” Wika ko pa na napahawak sa aking puson at dumaing para kapanipaniwala.
“A’right. Gusto mo bang magtungo tayo sa hospital, sweetheart?” alok niya.
“No, ayoko po, ninong. This is normal. Up to three days lang naman ang monthly period ko. Bukas mawawala na ito. Ngayon kasi ang second day niya kaya malakas po ang paglabas ng dugo,” sagot ko na humiga ng sofa.
Napalunok siya na nakatitig sa akin. “Then, how can I help you to lessen the pain, sweetheart?” he asked me, bakas ang pag-aalala at awa sa mga mata.
“Uhm, can you go out? Bumili ka po ng hot compress ko, ninong. Makakatulong po iyon para maibsan ang kirot ng puson ko. Hindi ko po kasi nadala ‘yong hot compress ko sa mansion e,” sagot ko na ikonatango nito.
“A’right. Maiwan ka na muna dito ha?”
“Opo.”
“Anything else?”
Napanguso ako. “Bumili ka po ng cake at donut, ninong. Gusto kong kumain ng matamis e,” sagot ko pa.
“Sige. Hintayin mo ako, hmm? You can call your dad too habang nasa labas ako. Para hindi ka mabagot.” Wika niya pa na ibinigay ang cellphone niya sa akin.
“Hwag kang mambababae sa labas ha?” I warned him.
Natawa ito na napakamot sa ulo. “Opo. Ikaw talaga.” He replied.
Ginulo niya pa ang buhok ko bago ako iniwan at bumili ng mga gusto ko.
Pagkalabas ni ninong, tinawagan ko ang isa sa mga pinsan kong malapit din sa akin. Well, lahat naman kaming magpipinsan ay malapit sa isa't-isa, lalo na kaming mga babae.
“Hello?”
“Hi, McKie, it's me– Jenny.” I answered.
Napasinghap pa siya. “Oh my God, girl! I heard the news, are you okay?” nag-aalala niyang tanong.
“Yeah, I am, McKie, no worries.” Sagot ko.
“Are you sure? Don't mind those bashers ha? Gosh, kung hindi lang masama, itutumba ko sila e,” aniya na ikinahagikhik ko.
Dating mafia boss si Mackenzie. Pero noong nagpamilya na siya, bumitaw na siya sa posisyon at ipinasa sa mga kapatid ang pamumuno sa mafia ng pamilya namin. Anak ito ng Tito Delta ko, dating mafia boss ang Tito Delta and I can say na nagmana sa kanya ang mga anak niyang babae.
Ang astig kaya nila Mackenzie kapag nakikipaglaban. Minsan ko na siyang nakitang makipag barilan. Kahit ang makipagsuntukan ay napakahusay nila. There are times na nagkakaroon sila ng ensayo sa compound. Kalaban niya ang mga bodyguard namin. At kahit nasa lima pa o sampu ang kamano-mano niya ng suntukan? Hindi nila natatamaan si Mackenzie sa bilis at galing nito.
Kahit pa nga mga lalake na malalaki ang katawan ang kalaban niya, mabilis niyang mapabagsak ang kalaban. Gano'n siya kagaling sa labanan. Naiinggit nga ako pero hindi ko naman kaya iyon. Car racing ang hilig ko dati pa. Dito ako magaling. Ang makipag karera. Sa bigbike motor man o kotse.
“I'm okay, McKie. Don't worry about me. Uhm, may itatanong sana ako sa'yo e. Medyo hindi ko kasi maintindihan,” wika ko.
“Oh, sure, Jenny, what is it, hmm?” sagot niya na ikinangiti ko.
“Uhm, alam mo, naiinis ako do’n sa isang lalake na kasa-kasama ko ngayon dito sa Davao. Kasi, may dati siyang asawa. Nakwento niya kagabi na mahal na mahal niya pa rin ang asawa niya. That no other woman can replace his wife's inside his heart. I don't know but– I got mad. Nainis ako sa kanya. Sa inis ko nga e, hindi ko siya pinansin sa buong magdamag.” Pagkukwento ko.
“Hmm. . . interesting,” she murmured. “Pinaparamdam niya ba sa'yo na special ka?” she asked.
Tumango-tango ako. “Oo, magmula magkita kami, palagi niya akong inaalala. Pinagsisilbihan niya rin ako. He only call me once by my name. Sweetheart ang tawag niya sa akin at ewan ko ba, McKie, ang sarap sa tainga na iyon ang tawag niya sa akin,” pagtatapat ko na napabuntong hininga nang malalim.
“Oh my God, coz, I think. . . you're falling in love with him.”
My eyes widen of what she said! Napaupo ako sa sofa na nanlalaki ang mga mata!
“A-ano? Hindi pwede, McKie, he's my ninong!” bulalas ko na natutop ng palad ang bibig!
Mabuti na lang, wala pa si ninong. “Holy fvck, coz! Nahuhulog ka sa ninong mo?!”
“Ano ka ba? Hindi a!”
“Really? Pero nagseselos ka sa dati niyang asawa, coz. Kaya ka nainis sa kanya. Dahil nagselos ka na special ang trato niya sa'yo pero. . . sinabi niya na walang babaeng makakahigit sa asawa niya.” Sagot nito na halos ikaluwa ng mga mata ko!
Napahawak ako sa dibdib ko, ang bilis ng t***k ng puso ko!
“Oh, no– this can't be, coz. I can't fall for him!” bulalas ko na napasabunot sa ulo.
“Pero mukhang. . . in love ka na sa kanya, Jenny.”
“A-ano?”
Napalingon ako sa pintuan nang bumukas iyon. Parang lulukso ang puso ko na makitang nakabalik na ang ninong. Maraming dala.
"Uhm, sige na, McKie, I have to hang-up na ha? Nakabalik na kasi si ninong e," pabulong wika ko.
I heard her giggle. "A'right. At least you're okay there, coz. Magpakipot ka sa ninong mo ha?" she teased me.
"Naughty."
I hang-up the call. Nasa malapit na kasi ang ninong. Ibinaba niya sa mesa ang mga pinamili.
"How are you here, sweetheart?" tanong niya pa.
"I'm good, ninong. Nakabili ka po ng hot compress ko?" I asked him.
Tumango ito na inilabas sa paper bag ang binili. "Ito ba?"
"Opo. Pakilagyan ng mainit na tubig, ninong."
Sumunod naman ito na ikinangiti ko. Napasunod ako ng tingin sa kanya na nagtungo sa kitchen.
"Gosh, am I falling for him?" I murmured.
Umiling-iling ako na winawaglit sa isipan iyon.
"No, imposible. Hindi rin pwede." Usal ko pa.
"Hindi pwede ang alin, sweetheart?"
"Ayt-- ninong naman! Nakakagulat ka!" sikmat ko dito na hindi ko napansing nasa harapan ko na pala.
Napangisi naman ito na makitang nagulat ako sa pagsulpot niya. Iniabot sa akin ang hot compress na nilagyan niya ng mainit na tubig.
"Bakit naman gulat na gulat ka, sweetheart? May iniisip ka ba?" tanong niya na naupo sa tabi ko.
Napalunok ako. Hindi ako nakasagot at kay bilis ng t***k ng puso ko.
"No, this can't be. Mukha namang walang pagtingin ang ninong sa akin. He only see me as his daughter. Gano'n lang ako sa kanya. Imposibleng. . . magkagusto siya sa akin." Piping usal ko na nalungkot at nakadama ng awa sa sarili.
Am I really falling in love with my ninong? Pero ilang araw pa lang naman kaming nagkakasama a. Ngayon pa nga lang kami nagkalalapit dahil hindi kami makabalik ng hacienda na madulas ang daan.
"Sweetheart, you can tell me anything. Hindi naman ako chismoso e." Wika niya na ikinalingon ko dito.
Napalunok ako na napababa ng tingin sa mga labi niyang mapula at makintab ang itsura. Napaka kissable tignan ng mga labi ni ninong. Na tila nagpapaanyaya ng isang matamis na halik!
"H-hey, don't look at my lips like that. Na parang. . . gusto mo nang sunggaban ang ninong mo, sweetheart." Pabulong anas niya na hirap na hirap magsalita.
"H-ha?"