CHAPTER 35 “Daddy. . . may tama ka!” ang baril ni Kurt! Si Kurt ang bumaril sa kanya. Daplis lang iyon sa kanyang braso, pero ang dugo ay tuloy- tuloy na umagos. “K- kurt, ibaba mo ‘yan!” sigaw ko sa kanya. Nakangisi ito habang nakatutok ang kanyang baril sa aming dalawa ni daddy Andrew. Demonyo talaga! Sisiguraduhin kong mabubulok sa kulungan si Kurt! Hindi lang ako ang ginawan niya ng masama, pati si daddy Andrew dinamay niya rin. Hayop talaga na Kurt ‘to! “Reyna. . .” hinirang ni daddy Andrew ang katawan niya sa akin. “Put your gun down, young man.” Kalmado ang boses ni daddy Andrew, ngunit nandoon pa rin ang lamig ng kanyang boses. Na kahit hindi ako ang sinabihan niya, nakaramdaman din ako ng takot. “Kurt, ibaba mo ‘yan!” sinubukan ko pa ring sumigaw kahit na hindi niya ako naki

