CHAPTER 46 REYNA'S POV “May sasabihin po kaming dalawa ni Raver, mom.” kakatapos lang naming kumain at kanina pa ako humahanap ng tyempo para sabihin ang tungkol sa pagbubuntis ko. Nang masulyapan ko kanina si daddy Andrew ay nakita kong sandaling may dumaang sakit sa mga mata niya habang nakatitig kung paano lagyan ng pagkain ni Raver ang pinggan ko. Dati- rati, siya ang naglalagay ng pagkain sa pinggan ko. “Ano 'yon, Reyna? You seem serious, kinakabahan tuloy ako.” she touched his chest. I take a deep breath and licked my lower lip before opening my mouth to talk. Sa ilalim ng mesa ay palihim na hinawakan ni Raver ang aking kamay. Silence enveloped us. Nag- aabang silang dalawa sa sasabihin namin. “Mom, I’m pregnant. . .” her smile fades and her eyes widen. Humawak ulit siya sa

