A COUPLE days have passed ang medyo lumalaki na ang tiyan ko. Halata na yun tuwing nagsusuot ako ng dress o mga hapit na mga damit. Madalas na rin yung morning sickness ko. Kahit di morning masama pakiramdam ko. I think napapansin na yun ng mga kasama ko sa trabaho. I feel so different. Sobrang moody ko na rin. Minsan gusto kong maglambing kay Phillip. Minsan naman gusto ko siyang ilibing ng buhay. "Anong sabi mo?" Tila wala sa sariling tanong ni mama. Andito kami ngayon sa bahay para ipaalam sa kanila yung tungkol sa pagbubuntis ko saka ang plano ni Phillip na hingin ang kamay ko. This is really hard for me. I'm scared what they might do. "BUNTIS KA????" di makapaniwalang sigaw ng mga kapatid ko at sabay pang tumingin sa tiyan ko tapos pabalik sa mukha ko. "Ma... Pa... Hindi po namin

