GINAMOT ko ang mga pasa ni Phillip. Naiinis ako tuwing naaalala ko ang ginawa nila. Masyado silang agresibo. How can they beat someone like this? Tsk. Buti na lang at di sila nangulit na kausapin ako dahil talagang wala ako sa mood ngayong araw. "Okey lang ba pakiramdam mo?" Malambing na tanong ni Phillip. Hindi ko siya sinagot. Hinawakan niya ang kamay kong gumagamot sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin. Ngumiti lang ang gago. "Don't get the wrong idea. Ginagamot lang kita para sa kapakanan ng mga kaibigan ko. Baka ipakulong mo yung mga babaeng yun." "I don't care as long as I get to see you." I rolled my eyes. "Umuwi ka na matapos nito. Kailangan kong magpahinga ng maaga. May trabaho ako bukas." "Magtatrabaho ka bukas? Don't you need rest? Baka ma-stress ka o si baby." "I'm just 2

