NAG-AAYOS ako ng sarili ko sa harap ng salamin bago ako umalis ng trabaho. Phillip already texted me and sabi niya, nasa baba na yung kotse niya na susundo sa akin. Hindi ko alam kung ba't di siya ang susundo sa akin but whatever. Maybe he's busy or something. Kakalabas lang niya ng hospital kaya malamang marami siyang inaasikaso. Nakaalis na yung iba kong ka-opisina kanina pa. Ako na lang yata ang naiwan sa department namin. Medyo creepy tong building sa gabi. Nung unang beses ko dito, I always make sure na natapos ko lahat ng kailangan kong gawin bago mag alas sais. Kung hindi naman, dinadala ko na lamang sa bahay ang trabaho dahil takot na takot akong maiwan dito mag-isa. But now, I'm used to this place. Hindi na ako natatakot. Actually, I feel comfortable alone in the office. It's pea

